20.Libro

0 0 0
                                    

Libro

Nagbibigay karunungan,
Isa sa rason ng kayamanan.
Dulot ay kaliwanagan sa kapaligiran,
Kaloob ay walang humpay na katanungan.

Isa sa dahilan ng kanyang pagpapatuloy,
Sinubok ang isang bagay na hindi alam ang daloy.
Ngunit kanyang pagpupursige tulad ng apoy.
Matupok man, magliliyab at mabubuhay.

Marami mang dapat ayusin sa tahanan,
Kanyang likha'y baguhin mananatili ang layunin at iisang kahulugan—
Magbigay inspirasyon at kaalaman.
Hindi mawawala, hahanapin at ipapamana sa huling hantungan.

Iwan man at pabayaan, ito pa rin ang tunay.
Nagpahiwatig ng katotohanan at kulay.
Dahilan ng marurunong sa kakaibang bagay.
Maliwanag at orihinal, di mapapantayan habambuhay.

-Roselia Poessy

EmotulaWhere stories live. Discover now