02

94 4 0
                                    

Hambog! Kahit ilang oras na ang nakararaan buhat nang mangyari ang engkuwentro nila ng impaktong Zuriel na iyon ay hindi pa rin maalis-alis ang nararamdamang inis ni Milgray.

Sigurado siyang kahit sa mga oras na iyon ay pinagtatawanan pa rin siya nito.

Ang supla-suplada niya, pagkatapos ay makikita nitong ganoon ang binabasa niya.

Magpapaliwanag pa sana siya rito ngunit umalis na ito bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig. Ngiting-ngiti ang hudyo na para bang nanalo ito sa imaginary battle nila.

Hinubad niya ang suot na maroon leather jacket nang makapasok sa loob ng bahay. Naabutan niya sa kusina ang Tita Susie niya. Nagluluto ito ng hapunan.

“Nandito ka na pala,” anito. “How’s your day?”

Humalik siya sa pisngi nito. “I can’t say it’s good,” nakasimangot at nakalabing sagot niya.

Sumandal siya sa lababo.

“Bakit? Mahina ba ang kita ng coffee shop?”

“No. Tita, it has nothing to do with it.”

“Tell me.”

“Nasira lang naman ang araw ko dahil sa Zuriel nàyon,” nakahalukipkip na wika niya.

“Kay Zuriel?”

“You know him?”

“Alam mong kahit paano ay kilala ko ang mga regular customers ng Gray’s. Pero masasabi kong pinakakilala ko sa lahat ang batang 'yon,” anito. Inilapit nito sa bibig niya ang sandok na may kaunting sabaw ng sinigang na hipon.

Hinigop naman niya iyon. “'Tastes good,” komento niya.

“Nag-request kasi ang Tito Gabriel mo ng sinigang na hipon.”

“Pa’no mo naman nasabi, Tita, na kilala mo si Zuriel?”

“Why? Dahil pinakabatang kasama ng tito mo sa legal office ang batang 'yon,” pagbibigay-alam nito sa kanya.

“Abogado siya?” gulat na tanong niya.

Tumango ito.

“Abogado ang impaktong 'yon?” hindi niya napigilang bulalas. Natawa naman ang tita niya sa kanyang tinuran.

“Mukhang nagkausap na kayo ni Zuriel, ah,” komento nito.

Abogado pala ang mokong nàyon, aniya sa isip. That explained the formal attire and sometimes the coat. Wala sa hinagap niyang isa itong abogado tulad ng Tito Gabriel niya.

Businessman puwede pa o kaya naman ay may-ari ng isang nightclub. But a lawyer?

Ang alam niya ay seryoso ang mga abogado. Mabibilang ang ngiti sa mga labi ng mga ito.

Hindi nga sumisimangot ang tito niya pero mukha talaga itong abogado. Samantalang ang Zuriel

na iyon ay mukhang bagamundo. Akala siguro nito, lahat ng tao ay madadala nito sa pangiti-ngiti.

“Gray...?” untag ng tita niya.

“Yes, Tita?”

“Ang sabi, ko, kung nagkausap ba kayo ni Zuriel?”

“Hindi lang kami nagkausap, Tita. Binuwisit pa ako ng lalaking 'yon,” sagot niya.

Ikinuwento niya rito ang nangyari sa pagitan nila ni Zuriel.

Tawa naman ito nang tawa.

“Hindi nga malayong si Zuriel 'yon. Pilyo talaga ang batang 'yon, eh. Mahilig magbiro at palakaibigan.” Halata sa boses nito ang fondness para sa lalaking kinaiinisan niya.

“Hambog 'kamo at masyadong bilib sa sarili. Alam mo bang iba-ibang babae ang dinadala n’on sa coffee shop? At bawat babaeng kasama niya, mukhang tuwang-tuwa at in love na in love sa kanya.”

“Marami talagang nagkakagusto riyan kay Zuriel. Bukod kasi sa guwapo at matikas, napakabait pa niya. Mga friendly dates lang naman ang lahat ng 'yon, hija,” pagtatanggol ng tita niya kay Zuriel.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Friendly dates? “Friendly dates” bang matatawag ang pananamantala ng lalaking iyon sa mga babaeng nakakagusto rito? Para sa kanya, “pagpapaasa” ang tawag doon.

“Tita, sigurado ka bang hindi mo pinangarap na maging abogado?” tanong niya.

Nagtatakang tumingin ito sa kanya. “What made you say that?”

“Kasi kung makaakto ka, eh, parang ikaw ang abogado ng Zuriel nàyon. Sobrang depensa ang ginagawa mo,” nakalabing sabi niya. Ganoon sila mag-usap ng Tita Susie niya, parang magkapatid lamang.

Tumawa uli ito. Iyon ang tagpong nadatnan ng Tito Gabriel niya.

“Sino na naman ba ang dapat kong pasalamatan sa malutong na halakhak na narinig ko buhat sa maganda kong kabiyak?” bungad nito, sabay dukwang para humalik sa tita niya.

Magtatatlumpung taon nang kasal ang mga ito pero sweet na sweet pa rin sa isa’t isa. Sa tuwing nakikita niya ang mga ito, nagkakaroon siya ng dahilan para patuloy na maniwalang sadyang may matibay na pagmamahalan sa mundo.

Only a few people were given the chance to meet a special person who could be a part of their lives forever. For those who did, the meeting was life changing. Katulad ng Tita Susie at

Tito Gabriel niya nang matagpuan ng mga ito ang isa’t isa. She couldn’t help but wonder kung darating din ba ang tulad ng Tito Gabriel niya sa kanyang buhay.

“Nakilala na kasi ni Gray si Zuriel,” anang tita niya sa asawa nito.

“Talaga? So what do you think of him? Hindi ba’t mabait na bata si Zuriel, Gray?” nakangiting baling ng tito niya sa kanya.

Napasimangot siya na ikinatawa ng tita niya. Mukhang hindi lang ang tita niya ang miyembro ng fans club ng Zuriel na iyon. Kasama pa yata ang tito niya.

“Huwag si Gray ang tanungin mo dahil walàyang masasabing maganda tungkol kay Zuriel.

Mabuti pa, mamaya na lang natin ipagpatuloy ang pagkukuwentuhan,” anang tita niya.

“Magbihis na kayong dalawa at maghahain na ako.”

Nagtinginan silang magtiyo, pagkuwa’y magkasunod na nilisan ang kusina para magpalit ng damit.

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now