03

94 5 0
                                    

BIGLANG napangiti si Zuriel nang makitang binabasa ng babae na nasa katabing mesa nila ni

Katie sa Sizzling Plate ang magazine na hawak kanina ng mailap na may-ari ng Gray’s Coffee Shop.

“What are you smiling at?” nakangiting tanong ni Katie.

“Wala, may naalala lang ako,” sagot niya. Isa ring abogado si Katie. Kaklase niya ito sa Law school. Sabay silang nagtapos ng Abogasya sa St. Louis University. Sabay rin silang kumuha ng

Bar exam at pinalad na makapasa.

Sa Maynila ito nagtrabaho, samantalang mas pinili niyang manatili sa Baguio.

Nagbabakasyon ito nang mga sandaling iyon kaya naman nagkita sila. Hindi ito nakakalimot na makipagkita sa kanya sa tuwing umuwi ito sa Baguio.

“There’s a spark in your eyes so I presumed it’s a woman,” anito.

A long time ago, nagkaroon sila ng relasyon nito dahil inamin nitong may gusto ito sa kanya.

At dahil wala naman siyang partikular na gustong babae nang mga panahong iyon, sinubukan nilang maging magnobyo. After six months, ito na mismo ang nakipagkalas sa kanya.

Ayon dito, hindi raw niya ito matututuhang mahalin dahil wala umano talaga siyang damdamin para dito. Ipinagpasalamat niyang hindi man nagtagumpay ang pagiging magnobyo nila ay nanatili naman ang pagiging magkaibigan nila.

“You could say that,” sagot niya.

“Sino na naman ba itong bagong biktima mo?” pabirong tanong nito.

“Sobra ka namang magsalita. Ang sakit n’on, ah,” kunwa’y nagtatampong turan niya.

“Hoy, Attorney Mendoza! Hindi ako isa sa mga babaeng dapat mong i-impress. I know you,” natatawang sabi nito.

Hindi siya agad nakasagot dahil dumating na ang order nila.

“You said it yourself. You know me. Kaya ikaw rin ang makakapagsabi na hindi ako marunong manloko ng babae,” aniya nang makaalis ang waiter. Taliwas sa image niya na isang playboy, ito ang higit na nakakaalam na hindi niya gawain ang manloko ng babae. Kung ganoong uri siya ng lalaki, di sana ay sinamantala na niya ang pagka-in love nito sa kanya noon.

“Yeah right. At hindi ka rin marunong tumanggi sa mga babaeng lumalapit sàyo.”

“What’s wrong with that? Friendly dates lang naman ang mgàyon. I’m a bachelor.

Naghahanap pa lang ako. Parang kayo ring mga babae. Don’t tell me na hindi kayo nakikipag-date sa iba’t ibang lalaki para makita ninyo kung sino talaga ang para sa inyo?” buwelta niya.

“I rest my case,” natatawang sabi na lamang nito. “Anyway, basta huwag mong kalilimutan ang date ng kasal ko, ha?” anito.

“I can’t believe na nakita mo na talaga ang match mo.”

“Late na ngàto, 'no! Treinta na ako kaya kailangan ko na talagang mag-asawa. I’m just so lucky na mahal ko si Greg at mahal din niya ako,” tukoy nito sa mapapangasawa na isang businessman.

“And you know I’m happy for you, Kat,” sinserong wika niya.

“I know. Kaya naman hiling ko na sana, sumunod ka na sa akin.”

“I will, Kat. As soon as I find her. Wala nang marami pang pasikut-sikot, I’ll marry her right away,” aniya. Bigla, nabuo ang mukha ni Gray sa kanyang isipan. Ipinilig niya ang ulo at ibinuhos ang atensiyon sa pagkain.

“SIGURADO ka ba sa gagawin mo, Miles?” tanong ni Milgray sa assistant manager ng Gray’s.

Forty-two na ito, kasal at may tatlong anak. Madali niyang nakapalagayang-loob ito kahit pa nga malayo ang agwat ng kanilang edad. Ayaw na ayaw nitong patawag ng “Ate Miles” sa kahit sino sa coffee shop tulad ng ayaw rin niyang patawag na “Ma’am.”

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon