14

98 5 0
                                    

“Aba’y bastos ka palang matanda ka, eh! Kung hindi ka ba naman talaga nananadya. Natalsikan

mo na nga ako ng sasakyan mo kanina ng maruming tubig, ngayon naman ay aagawan mo ako

ng puwesto,” ani Lola Modesta kay Mang Edgar. Parehong nakahawak ang dalawang matanda sa

isang silya.

“Aba’y ito ang puwesto ko sa tuwing pumupunta ako rito. Itanong mo pa kay Gray. Hindi ba,

Gray?” baling ni Mang Edgar sa kanya.

Lumapit siya sa mga ito. Parehong doon ang puwesto ng dalawang matanda. Magkaiba nga

lang ng oras. Sa umaga si Mang Edgar at sa hapon naman si Lola Modesta.

“Pang-apatan naman po ang mesang ito. Baka puwede na ho kayong mag-share,”

mahinahong pamamagitan niya sa mga ito.

Biyudo at mukhang matigas ang ulo ni Mang Edgar. Samantalang matandang dalaga at

masungit naman si Lola Modesta. Ang alam niya ay hindi nalalayo ang edad ng mga ito sa isa’t

isa. Dangan nga lamang at ayaw patawag ng “lolo” ni Mang Edgar.

“Hinding-hindi ako tatabi sa matandang 'yan!” deklara ni Lola Modesta.

“Aba’y sino naman ang nagsabi sàyong gusto rin kitang makatabi?” ganti ni Mang Edgar.

“Puwes, doon ka sa ibang mesa,” utos ni Lola Modesta.

“Bakit? Nakapangalan ba sàyo ang mesang ito? Nauna akong nagpunta rito—”

“Peròyan ang puwesto ko sa tuwing pumupunta ako rito. At sa ganitong oras 'yon. Hindi

naman kita nakikita rito dati,” palabang sabi naman ni Lola Modesta na kamag-anak yata ni

Gabriela Silang. Nag-aalala siyang baka maipukpok nito ang dalang malaking payong kay Mang

Edgar.

Nanghihingi ng tulong ang mga matang sumulyap siya kay Zuriel. Lumapit naman ito.

“Mang Edgar, ako po si Zuriel,” pakilala nito sa sarili. “Baka naman po puwedeng ipaubaya

na lang ninyo kay Lola...” Binalingan nito ang matandang dalaga.

“Modesta.”

“Ipaubaya na lang ninyo kay Lola Modesta ang puwestong ito. Tutal, babae naman ho siya at

gentleman naman tayo,” mahinahong suhestiyon nito sa matandang lalaki.

Sumimangot si Mang Edgar. “O, siya, sige. Diyan ka na, Modesta, at baka idagdag mo pàyan sa mga kasalanan ko,” parang napipilitan lang na pagpayag nito.

Magkakilala ang mga ito? Nagkatinginan sila ni Zuriel.

“Mukha hong magkakilala naman pala kayo ni Lola Modesta,” wika nito kay Mang Edgar.

“Paanong hindi, eh, dati kong nobyàyan?” sagot ni Mang Edgar.

Gulat na gulat na napatingin siya sa matandang babae.

“Ako ang nobya niya na ipinagpalit niya sa nurse na nakilala niya sa Mindanao,” mataray na

pagtatapat ni Lola Modesta.

“Alalahanin mong hindi ka sumama sa akin. Hindi mo ako ipinaglaban sa mga magulang mo.

Samantalang si Elena ay tinanggap ako,” ani Mang Edgar.

Napailing siya. Tila isang live na telenovela ang nagaganap sa loob ng coffee shop. Pati nga

ang ibang mga customers na naroon ay amused na nakikinig na sa istorya ng dalawang matanda.

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now