05

84 4 0
                                    

ABALA sa pamimili ng maong pants at jacket si Gray nang araw na iyon. Sinamantala niya ang pagkakataong nasa coffee shop ang tita niya. Nag-malling siya.

Sabado kaya naman maraming tao sa mall, karamihan ay kabataan at mga pamilya. Mukha ngang siya lang ang walang kasama.

Pagkatapos makapamili ay pumila na siya upang magbayad. Mahaba ang pila kaya naman inabot pa siya nang tatlumpung minuto bago nakarating sa cashier.

Four thousand five hundred pesos ang kabuuang halaga ng mga pinamili niya. Binuksan niya ang maliit na shoulder bag na dala upang kunin doon ang wallet niya. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang hindi maapuhap ng kamay niya ang wallet.

Tiningnan niyang mabuti ang loob ng bag. Wala talaga roon ang wallet niya. Naiinip na naghihintay sa kanya ang kahera. Alam niyang naiinis na rin ang mga nakapila dahil medyo tumagal na siya.

“Miss, wala kasi sa bag ko ang wallet ko,” paliwanag niya.

“Eh, pa’nòyan, nai-punch in ko na?” naiiritang tanong ng cashier na para bang pinagdududahan pa siya kung may pera ba siya o wala.

Lumapit na sa kanila ang security guard. Tinanong nito kung ano ang problema.

“Paki-set aside na lang muna. Babalikan ko na lang. Kukuha lang muna ako ng pera,” aniya.

Mukha ba akong walang pera? nagngingitngit na sabi niya sa isip nang makita ang pagsimangot ng kahera.

“Sa susunod naman, pakisigurong may pera kayo para hindi kayo nakakaistorbo ng ibang tao,” mataray na sabi nito.

Sasagot pa sana siya nang maunahan siya ng isang tinig mula sa kanyang likuran.

“Magkano ba lahat?” Si Zuriel ang nalingunan niya. Ngumiti ito sa kanya bago muling binalingan ang kahera.

“Four thousand five hundred ho, Sir.” Bigla ay parang naging maamong tupa ang kahera nang makitang pormal na pormal ang mukha ng binata.

Mukha nga itong abogado kapag gano’n ang anyo nito, sa loob-loob niya.

“Ako na’ng magbabayad,” anito, sabay labas ng wallet.

“You don’t have to do that—”

Hindi nito pinansin ang pagtanggi niya. Iniabot nito sa kahera ang halagang binanggit ng babae.

“Let’s go,” ani Zuriel pagkatapos kunin sa bagger ang plastic na naglalaman ng mga pinamili niya.

“Ano ba?” Pumiksi siya. “Bitiwan mo nga ako at nakakaladkad mo na ako!”

Binitiwan nga siya nito. “I’m sorry,” sabi pa nito.

“Bakit ba nakialam ka pa?”

“Aren’t we being ungrateful here?” natatawang wika nito. “Sa lahat naman ng tinulungan, ikaw lang ang reklamador.”

“I don’t remember asking for your help,” aniya, sabay hablot sa plastic bag na dala nito.

Nauna na siyang naglakad.

Umagapay ito sa paglalakad niya. “Yeah, you did not. But I was gentleman enough to offer my help,” sabi nito.

“In the first place, ano’ng ginagawa mo ro’n?”

“As I remember, the place is not exclusive just for you, my lady.”

“I am not your lady! And will you stop following me?” naiiritang sabi niya.

“Gano’n na lang bàyon? You owe me one,” anitong hindi pa rin siya tinatantanan.

“Huwag kang mag-alala. Sa susunod na pumunta ka sa coffee shop, ibibigay ko sàyo ang pera mo,” nakaingos na wika niya.

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now