10

76 4 0
                                    

Umupo sa tabi ni Milgray si Zuriel. Iniabot nito sa kanya ang isang plastic cup na may lamang mainit na kape.

“Pagtiyagaan mo na muna ito. Malayo pa ang Gray’s kung doon pa ako bibili,” biro nito.

Napangiti siya. “Salamat.”

“Walàyon.”

“I’m so glad that I didn’t have to do this alone. Wait, tatawagan ko nga pala si Tita Susie,” aniya nang maalala ang tiyahin.

“Natawagan ko na. Papunta na sila ng Tito Gabriel mo rito.”

“Salamat uli.”

Namayani ang sandaling katahimikan sa pagitan nila.

“I wonder what happened at nagawàyon ni Miles,” mahinang wika nito.

“Natatandaan mo ba no’ng magkita tayo sa Sizzling Plate more than a week ago?”

Tumango ito.

“Nagpunta kami roon ni Miles dahil may nagsabi sa kanya na naroon daw ang asawa niya.

Kasama raw nito ang... ang babae nito.” Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy.

“At nandoon nga ang asawa niya, patìyong babae. Hindi ko makakalimutan ang mukha ni

Miles nang makita niya ang mga ito. She looked so defeated. Na para bang bumagsak ang buong mundo sa kanya. Well, bumagsak nga siguro ang mundo sa kanya dahil ang pamilya niya ang kanyang mundo,” malungkot na turan niya.

Hindi na ito nakapagkomento dahil lumabas ang doktor mula sa emergency room.

Sinalubong nila ito.

“Kaibigan po ako ng pasyente, Doc. Kumusta na po siya?” agad na tanong niya.

“Stable na ang pasyente. In just a few minutes, ililipat na siya sa isang silid,” nakangiting balita ng doktor. Nagpaalam na rin ito at bumalik na sa loob.

“Did you hear that, Zuriel? Did you hear what the doctor said?” maluha-luhang wika niya rito nang makaalis na ang doktor. “Miles is okay. She made it.” Sa bugso ng labis na relief at tuwa ay nayakap niya ito at mabilis na hinalikan sa mga labi.

Dagling napamulagat siya sa ginawa. Inilayo niya ang kanyang mga labi ngunit hinabol nito iyon. Niyakap pa siya nito sa baywang at lalong idinikit ang katawan nito sa kanya.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, hindi makapaniwalang sinalat niya ang mga labi.

“Gray?” narinig niyang tawag sa kanya. Sa paglingon niya ay nakita niya ang Tita Susie at

Tito Gabriel niya na papalapit sa kanila ni Zuriel.

“Tita...” parang naliliyo pang bigkas niya.

“How’s Miles?” Bakas ang pag-aalala sa tinig at mukha ng tita niya.

“She’s... she’s okay now, Tita,” sagot niya.

“Thank God!” usal nito. “Ano ba’ng nangyari?”

Nakipagkuwentuhan siya sa mga ito pero malayo roon ang isip niya. Na-freeze na iyon sa nangyari sa kanila ni Zuriel bago dumating ang tita at tito niya.

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon