08

79 4 0
                                    

MAY NGITI sa mga labing ibinagsak ni Zuriel ang katawan sa malapad na kama sa loob ng kanyang silid. Isa lang ang dahilan ng ngiting iyon—si Gray.

Katulong lamang ang nadatnan niya sa kanilang bahay. Nasa Ilocos daw ang mga magulang niya. Tubong-Ilocos sila. Nagpasyang mag-settle ang pamilya niya sa Baguio nang parehong nagturo ang mga magulang niya sa magkaibang unibersidad doon.

Ang papa niya ay nagturo ng Engineering sa SLU. Ang mama naman niya ay nagturo ng

Political Science sa UP. Ngayon ay pareho nang retirado ang mga ito at ang pinagkakaabalahan na lamang ay ang kanilang flower shop na nakatayo malapit sa Burnham Park. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang panganay at siya na lang ang walang asawa.

Not for long, he hoped. Kailangang kumbinsihin muna niya nang mabuti si Gray. Hindi niya maipaliwanag subalit habang tumatagal na nakikita niya ito ay parang gusto na niyang sabihin dito ang mga katagang “grow old with me.” Hindi niya maipaliwanag subalit alam niyang hindi pa niya nararamdaman ang ganoong damdamin sa sinuman.

Muling sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang maalala niya ang huling sinabi ni Gray sa kanya. “Drive safely.” That was a good start. Nang sabihin nito iyon ay parang gusto na niyang sugurin ng yakap ito. The urge was so strong. Kinailangan niyang umalis na agad bago pa niya magawa iyon.

Apat na araw ang inilagi niya sa Maynila. Sa loob ng mga araw na iyon, na-miss niya ito nang husto. Laking pasasalamat nga niya na nakausap niya si Tita Sue sa opisina ng asawa nito.

Nakumusta niya si Gray.

Sa sobrang pangungulila niya sa dalaga ay ito agad ang unang-unang pinuntahan niya nang makabalik siya sa Baguio. Para siyang nabuhayan nang masilayan ang magandang mukha nito.

Kailan kaya siya magkakaroon ng karapatang mahaplos ang mahaba at makintab na buhok nito?

Sa Makati ginanap ang convention na dinaluhan niya. Nakita pa nga niya ang Gray’s Coffee

Shop na nasa Makati rin. Alam niyang taga-Maynila si Gray at may dalawang coffee shops ito roon. Nabanggit iyon ni Tita Sue sa kanya.

Pumasok siya sa coffee shop at um-order ng cappuccino. Kahit man lang sa pamamagitan niyon ay maramdaman niya ang presensiya ni Gray kahit pa nga sabihing wala naman ito roon.

Weird pero iyon ang naramdaman niya.

Pero bago ang lahat, kailangang malaman muna niya kung bakit aloof ito sa kanya... kung bakit parang ayaw nito sa kanya.

That was his last thoughts before he drifted off to sleep. He welcomed it because in his dreams, Gray was there smiling at him.

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now