09

81 4 0
                                    

HINDI maintindihan ni Milgray ang sarili kung bakit parang ang saya-saya niya. Hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang mga labi.

“He’s back. No wonder ang ganda ng ngiti mo,” puna ni Tita Susie nang makapasok siya sa loob ng bahay.

Binigyan niya ito ng nagtatakang tingin, kunwa’y hindi naiintindihan ang sinasabi nito.

“Asus!” kantiyaw nito. “Dumaan ba sa coffee shop?”

“Tita, ano naman kung dumaan siya?”

“Ano naman kung dumaan siya,” panggagaya nito sa sinabi niya. “You’re in love...” awit pa nito habang patungo sa kusina.

Iiling-iling na pumanhik siya sa hagdan.

“Gray?”

“Yes, Tita?”

“Bumaba ka na rin agad at kakain na tayo. Baka mag-daydream ka pa, ha?”

“Tita!” malakas na tili niya.

Malakas na tawa ang kasunod na narinig niya. She wondered kung paano nakakatagal ang

Tito Gabriel niya sa kabaliwan ng Tita Susie niya.

LUNES. Eksaktong alas-dos ng hapon ay tumunog ang chime, tanda na may pumasok na customer. Ayaw sanang tingnan ni Gray kung sino ang pumasok pero wala siyang magawa.

Parang may sariling isip ang mga mata niya.

And it was indeed Zuriel, in the flesh. Agad niyang napuna na wala itong kasamang babae.

Nakangising lumapit ito sa counter. “Good afternoon, my lady,” bati nito sa kanya.

Napatingin sa kanila ang dalawang babae na nakapuwesto malapit sa counter.

“Stop calling me ‘my lady.’ Ilang beses ko bang sasabihin sàyòyon?”

“Okay. I won’t... for now,” pilyong sagot nito.

“Ano?!”

“Cappuccino, please,” sa halip ay sabi nito.

Pagkatapos na maibigay niya ang order nito ay pumasok muna siya saglit sa opisina.

Pagbalik niya ay dala na niya ang perang ipinahiram nito sa kanya.

“Èto na nga pala ang utang ko,” aniya, sabay abot dito ng limang lilibuhin.

“Keep it.”

“What?”

“Libre ko na lang sàyòyon.”

“I’m sorry pero hindi ako nagpapalibre.”

“Kailan ba ang birthday mo?”

“March—teka, ano ba’ng kaugnayan n’on?”

“Consider it as a gift.”

“Zuriel...” Hindi niya alam kung maiinis o ano rito.

Amused na tumitig ito sa kanya. “That’s the first time I heard you say my name. I liked it.”

“Puwede ba? Kunin mo na ito,” nag-iinit ang mga pisnging sabi niya.

“Sa interes ako interesado,” pilyong sabi nito.

“Interesin mo’ng mukha mo!” nakalabing singhal niya.

“Ano ba naman kasi ang mawawala sàyo kapag sumama ka sa akin nang isang araw? I’ll introduce you to the real Zuriel Mendoza.”

“No, thank you. Hindi ako interesado.”

Natigil ang pagdidiskusyon nila nang tumunog ang telepono.

“Yes, ito nga ang Gray’s Coffee Shop,” aniya.

“Ma’am, katulong po ako ni Ate Miles. Kanina pa po kasi siya hindi lumalabas ng kuwarto.

May kalabog po akong narinig sa loob. Natatakot po ako. Hindi ko po alam ang gagawin ko,” mahabang aliwanag nito.

“Okay, relax ka lang. Ano nga’ng pangalan mo?” tanong niya.

“Nieves po.”

“Okay, Nieves, may duplicate ka ba ng susi ng kuwarto ni Miles?”

“Opo.”

“Okay, buksan mòyong kuwarto at check-in mo siya. Kung anuman ang mangyari, itawag mo agad sa akin sa number na ito.” Sinimulan niyang idikta rito ang cellphone number niya.

“Nakuha mo ba?”

“Opo.”

“Okay. Hintayin mo ako riyan. Papunta na ako.” Ibinaba na niya ang telepono.

“What’s wrong?” agad na tanong ni Zuriel.

“May dala ka bang sasakyan?” sa halip na sumagot ay tanong niya.

“Meron.”

“Puwede mo ba akong ihatid sa bahay ni Miles? Baka kasi kung ano na ang nangyari do’n.

Tumawag ang katulong niya at hindi pa raw lumalabas ng kuwarto si Miles. Nasa school naman lahat ng mga anak niya.”

“Tara,” yaya ni Zuriel.

Pagkakuha ng jacket at bag niya ay umalis na rin sila.

“Where to?” tanong nito nang makasakay na sila sa sasakyan.

“Sa bandang Teacher’s Camp.”

Panay ang galaw niya sa upuan. Hindi siya mapakali. Nag-aalala siya kay Miles. Don’t do it,

Miles, piping dasal niya.

“Relax, Gray,” ani Zuriel.

Tumunog ang hawak niyang cellphone. Nanginginig ang kamay niya nang sagutin iyon.

“Ma’am, naglaslas po si Ate Miles,” umiiyak na bungad ni Nieves.

“Oh, my God!” bulalas niya. “Okay, diyan ka lang. Huwag mo siyang iiwan. Nandiyan na ako. Tatawag na ako sa ospital.”

Agad niyang kinontak ang emergency number ng SLU Hospital. Pagkatapos magpadala ng ambulansiya sa address ni Miles at masabi kung ano ang nangyari, nanginginig na napasandal siya sa upuan.

“Hurry, Zuriel!” aniya. Unti-unting pumatak ang mga luha sa magkabilang pisngi niya. Agad na pinahid niya ang mga iyon. “Oh, God, let Miles be okay, please,” dalangin niya.

Naramdaman niya ang paghawak ni Zuriel sa kamay niyang patuloy sa panginginig. “Stay calm, Gray. We’re almost there,” masuyong sabi nito.

Pagkaparadang-pagkaparada ng kotse ni Zuriel sa tapat ng bahay ni Miles, mabilis na bumaba siya at pumasok sa loob.

“Nieves!” malakas na tawag niya sa katulong.

Sinalubong naman siya nito at sabay silang nagpunta sa kuwarto. Napaiyak siya nang makita ang laslas sa pulso ni Miles.

Mula sa labas ay narinig niya ang sirena ng ambulansiya. Ilang sandali pa ay humahangos na pumasok ang mga paramedics.

Pinaiwan na niya si Nieves dahil walang madadatnan ang mga anak ni Miles. Sumama siya sa ambulansiya. Sumunod na lamang si Zuriel sa kotse nito.

Isinugod agad sa emergency room si Miles. Naiwan sila ni Zuriel sa labas. Sumandal siya sa dingding at hinang-hinang napadausdos pababa.

Maagap naman siyang nayakap nito bago pa siya tuluyang napaupo sa sahig. Isinandig nito ang kanyang mukha sa dibdib nito. Natutuwa siya at nasa tabi niya ito nang mga oras na iyon dahil tiyak na hindi niya kakayaning mag-isa iyon. Masyado siyang na-shock sa mga pangyayari.

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now