15

85 4 0
                                    

Ngayon lang nalaman ni Milgray na nakaka-addict pala ang halik dahil halos ayaw nang

maghiwalay ng mga labi nila ni Zuriel. Naghiwalay lang saglit ang mga iyon para sumagap ng

hangin pero muli at muli ring magdidikit. She felt like she was born for this... born to kiss him...

and love him.

Naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito nang sa wakas ay tuluyang naghiwalay ang

kanilang mga labi. Dama niya ang ginawang paghalik nito sa ibabaw ng kanyang ulo.

Pagkatapos ay niyakap siya nang mahigpit nito.

“Oh, baby...” bahagya pang humihingal na sambit nito. “I love you, my lady.” Inilayo nito

ang kanyang katawan upang makita nito ang kanyang mukha. Masuyong iniangat nito ang

kanyang baba. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Isang masuyong halik ang ikinintal nito sa

kanyang noo. “Mahal kita, Gray.” Ang tungki naman ng ilong niya ang dinampian nito ng halik.

“God, I love you very much.” Ang mga labi nito ay sa magkabilang pisngi naman niya

humantong. “Please, allow me to be your man,” pagsusumamo nito. His mouth settled on hers.

Buong puso uli niyang tinugon ang halik nito. Sila lamang ang naroon sa bahaging iyon ng

Camp John Hay.

“Will you be my lady, sweet Gray?” tanong nito nang matapos ang halik na iyon.

“Yes. I want to be your lady,” maemosyong tugon niya.

Alam niyang napakabilis ng mga pangyayari pero sinusunod lamang niya ang kanyang

damdamin. Sa maikling panahon ay minahal niya ito. Ramdam din niyang ganoon din ang

nararamdaman nito sa kanya.

Pormal na silang may relasyon bago natapos ang araw na iyon. Hindi niya maipaliwanag ang

labis na sayang nadarama nang mga sandaling iyon. Sigurado siyang noon lamang niya nadama

iyon. Sa loob ng mahigit isang taong relasyon nila ni Ralph, walang binuhay ito na ganoong

damdamin sa kanyang pagkatao.

“Akala siguro ni Mang Edgar ay siya lang ang magkakaroon ng happy ending,” pabirong

sabi ni Zuriel sa kanya habang magkahawak-kamay silang pumapasok sa bahay.

“Sa palagay mo ba ay happy rin ang ending nila ni Lola Modesta?”

“Who knows? Pero malaki ang paniwala kong sa maayos at masaya rin mauuwi ang lahat sa

dalawang matandang 'yon.”

Nanunukso ang mga mata ng Tita Susie niya nang bumungad sila sa sala. Nahuli kasi niya

itong nakatingin sa magkahawak na mga kamay nila ni Zuriel.

“Well, mukhang hindi ako nagkamali ng akala. Kaya naman espesyal ang inihanda kong

hapunan. Dito ka na kumain, Zuriel. Alam kong may dapat tayong i-celebrate,” sabi pa nito..

“Nasa’n ang Tito, Tita?”

“Nasàtaas. Pero pababa nàyon dahil tinawag ko na. Halina kayo sa hapag,” anyaya nito.

Sa harap ng masaganang hapunan ay ipinahayag ni Zuriel ang pagkakaunawaan nila.

Tuwang-tuwa naman para sa kanila ang tito at tita niya. Ganoon din si Manang Delia na kasabay

Cappuccino Kind Of Love | Claudia Santiago Where stories live. Discover now