Chapter 33

632K 12K 6K
                                    

Chapter 33

Hindi.. Hindi ako—makagalaw. Ugh. Sinubukan kong higitin ang kamay ko pero may mabigat na nakapatong. Aw! Ang sakit pa ng ulo ko. Sht. Mulat mulat din, Gab! But heck, my head stings. Sinubukan ko ulit gumalaw pero ang hirap talaga.

Pinilit kong igalaw at higitn ang kamay ko, ilang beses, pero hindi ko magawa. I can’t even open my eyes. Parang naka-mighty bond. I tried my best to open them and found Gatorade sleeping beside me, more so, iniipit niya ako sa mga braso niya. 

Pinilit kong alisin ang katawan ko mula sa pagkakayakap niya. Jeez! Bakit andito 'to sa tabi ko? "Gatorade, ano ba!"

Nilakasan ko ang tulak ko sa dibdib niya at buti naman kahit papano umisod siya palayo. Makayakap akala mo unan ako. Tsk. Kaya pala di ako makagalaw. Uhhh. Ano bang nangyare kagabi? Paano kami napunta dito sa kwarto ko!

Wait.

Kwarto ko?

Di ba na kay na bebs kami kagabi?

  

I shook my head lightly. Sumasakit lalo ang ulo ko kakaisip. Sinubukan kong tumayo para makapunta sa CR pero tila isang magnetic force ang kama dahil ayaw akong patayuin. Ugh. Ngayon pa gumana ang gravity.

"Pesteng hangover." Tatayo pa sana ulit ako nung biglang umikot si Gatorade at tinulak ang tiyan ko kaya napabalik ako sa pagkakahiga sa kama. "Pesteng blue head!"

What a great way to start my Sunday.

Di ko alam kung pano pero malaking pasalamat ko at nakatayo na din ako sa wakas sa mala-Gab magnet bed ko. That was so hard, believe me. Psh. Naghilamos na ako para medyo mawala ang grogginess ng mukha ko. Good thing I'm now sober.

Lumabas ako ng banyo para gisingin si Gatorade pero mukhang may nakagising na sa kanya. At sa pagkakaalam kong gising na ako ay hindi pa pala. Seeing my mom strictly looking at me and Gatorade, nagkamali akong sober na ako. 

"Good thing you're awake." Strikta niyang sabi. Tumingin siya sakin tapos kay Gatorade na para bang may naiisip siyang hindi maganda. Binalik niya ang tingin niya sakin at tinaasan ako ng kilay, "You have a lot of explaining to do, young lady."

"Ma, it’s not what you think."

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon