Chapter 37

519K 12.4K 6.1K
                                    

Chapter 37

 

 

"Point, Delos Reyes and Marilao. 4-3." Nagpalit kami ng pwesto ni Alex. Turn ko na para magserve.

"3 points left." tumango ako kay Alex.

Pag naka 3 points kami, for sure 100 na kami sa Midterms. Tinara ko ang pingpong ball at na-return naman agad ng kalaban. Sa larong table tennis, kelangan halinhinan ang tira ng partners. At para sa exam sa PE, yun ang midterms namin.

"Point! Delos Reyes and Marilao. 5-3!" Binigay ko kay Aleex ang bola. Mabilis niyang sinerve ang bola at hindi yun nareturn ng nasa kabila. "Point! Delos Reyes and Marilao. 6-3!"

"1 more."

"I want that 100%." Kinuha ko yung bola kay Alex. Ganito na talaga kami kadesperado. Well, I bet kahit yung kalaban namin, ganun din ang gusto. Pero no, I won't give any chance for them.

Ilang beses kong pinatalbog yung bola sa table nang biglang may mahagip ang mga mata ko. Isang blue. Blue head. Nginitian niya ako nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya. The hell, wala ba siyang exam?

Tinira ko yung bola at..

"Out. Point, Ilao and Ramos. 6-4!"

Shoot!

"Sana naman hindi ikaw ang dahilan para di ko makuha yung 100% sa Midterm."

"Parang ayaw ko rin ng perfect ah! Psh." Inirapan ko si Alex pero kahit ganun kita ko pa rin sa peripheral view ko si Gatorade. Seryoso lang siyang nakatingin samin. Nanunuod siya samin.

Sinerve na nila yung bola, na return naman agad yun ni Alex. Nagkaroon ulit ng rally...

"Point, Ilao and Ramos, 6-5!" and I think my luck run away nung na-out ko na naman yung bola. 

"Gab!"

Napalakas ang tira ko. Hindi ko na ma-control ang kamay ko! Isa nalang naman ang kelangan naming point, kami na ang panalo sa match. Tie kami, pareho kaming may isang panalo. Best of 3, kaya kung sinong magkaroon ng 2 wins, sila ang magkakaroon ng 100% sa Midterms.

Maganda ang naging laro namin kanina ah..

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon