The Story We Wrote (Flash Fiction)

1 0 0
                                    

Patakbo akong pumasok sa gate ng aming paaralan habang ang mga libro't gamit ay mahigpit na hinahawakan. Pabulong na nagdarasal na kahit ang huling morning subject man lang sana'y akin pang maabutan. Kaya't upang mabilis na makarating sa Education building, takbo ko'y lalo pang binilisan. Pero kapag minamalas ka nga naman, nabangga pa sa pader at mga dala-dalang bagay ay nagsilaglagan.

Sino ba naman kasing t*ngang nagtayo ng pader sa gitna ng daan?!

Marahas akong bumuntong-hininga, mga gamit ay pinulot isa-isa.

Nang makabawi na'y walang habas na pinaghahampas ang pader na nabangga. Pero teka. Sa pader na ito ay may kakaiba yata? May parte kasing medyo malambot at alam mo 'yong animo'y hinihikayat akong pisil-pisilin siya? At ginawa ko nga. Pinisil ng ilang beses at voilà! Kumpirmadong ang pader na ito ay naiiba nga! Ang kanina kasing malambot ay para bang tumitigas na! Mali si Nora Aunor kasi beshy, may himala!

Nag-e-enjoy pa ako sa aking ginagawa at klase na hinahabol ay kinaligtaan na nang biglang—

"Ano miss, malaki ba?"

Agad na napatingala nang ang pader ay magsalita. 'Di ba? Bongga! May boses siya!

Tiningala ko ito upang mas malinaw na makita. Pero aking huling naging desisyon ay akin ring pinagsisihan. Ang tumambad kasi sa akin ay hindi pader kundi mukha ng isang ginoong may makalaglag-panting kakisigan!

At nang idako ang paningin sa malambot kong nahawakan, ay doon na nanigas ang buo kong katawan.

Binalot ng kahihiyan. Tuluyang naging bato sa kinatatayuan. Kasi hawak ko ang— 'wag na nating pangalanan 'pagkat patnubay at gabay ng magulang ang kailangan!

Upang matakasan ang sinapit kong kamalasan, mabilis pa sa kidlat akong tumakbo at 'di na lumingon pa sa likuran!

Nang marating ang classroom ay hingal na hingal akong tumungo sa aking upuan. Hindi raw pumasok ang aming mga guro, lahad ng mga matalik kong kaibigan. Sa susunod na subject naman daw ay bagong guro na ang papasok at kanina pa daw nila ito inaabangan.

Ilang sandali pa'y ang maingay na silid ay binalot ng nakakabinging katahimikan na aakalain mong may kung sino'ng anghel ang dumaan. Wala akong ibang nauulinigan kundi ang impit na tili nitong baklitang katabi ko sa gawing kanan.

Naintriga naman ako kaya't pasimpleng sinundan ang kaniyang tinititigan. At muling nagbalik sa akin ang nagawa kong katangahan. Nakita ko kasing muli si ginoong pogi sa pinto ng aming silid-aralan!

Lahat ng atensyon ay napunta sa kaniya nang ito'y magsalita. Siya raw ay bago naming kaklase at agad na nagpakilala. Hindi ko na maintindihan ang sunod niyang ginawa sa kadahilanang sa kinauupuan ko, ako'y ganap nang nabingi at naging kandila.

Kasi naglalaro sa pururot kong isipan, nagawa kong kahiya-hiya!

"Can I sit here?" Narinig kong boses sa bandang kaliwa.

Nang lumingon ako'y napatulala nang magtagpo ang paningin naming dalawa.

Ano'ng ginagawa niya sa tabi ko gayong nasa harapan pa naman siya kanina? Pilitin ko mang iiwas ang paningin, 'di ko magawa. Dagdag mo pa yaring kakaiba kong nadarama. Puso'y tumatambol at mga paru-paro'y tila ba nagsisirko-sirko sa aking sikmura.

Unti-unti itong lumapit sa kinalulugdan ko hanggang sa ilang pulgada nalang ang layo ng mga labi namin sa isa't-isa.

Ipinikit ko ang aking mga mata kasi ganoon naman ang dapat gawin, 'di ba? Nakapikit pa rin ang mata ko at inaantisipa ang halik niya.

Nabalik ako sa realidad nang muli itong magsalita. "Hanep. Kanina may hinawakan, ngayon naman ay umaasang mahalikan."

Dahil doon ay napamulagat ako nang tuluyan. "Ilang page kaya 'to?" Umakto itong may binubuksang libro sa tapat ng mukha ko.

Sa inis ay inirapan ko ito pero patuloy pa rin akong inasar ng damuho. At 'yong asarang 'yon ang naging simula ng aming kuwento. Kuwentong nagsimula sa asaran, asarang nauwi sa ligawan, ligawang nauwi sa pag-iibigan, pag-iibigang humantong sa simbahan.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narating naming dalawa. Na ang kakaiba naming pagkikita ay aabot sa sumpaan sa dambana. Sumpaan nila ng tunay niyang sinisinta.

Ako'y 'di na maawat sa pagluha nang pumailanlang ang himig ng isang musika.

"Pero noong makita kita, nawala ang lahat ng takot sa puso ko." Nagsimula akong umawit habang pigil ang pagluha ko. Mahigpit ko ring hawak ang mikropono. "Naintindihan ko na ngayon kung bakit walang nagtagal sa kahit na sinong minahal, lahat ng daan ko ay patungo pala sa iyo aking habang-buhay."

Matapos ang huling linya ng kanta, di ko na napigilan ang pagluha at tumakbo palayo.

Oo, may kuwento kaming sinimulan at nabuo.
Pero iba na ang kasama niya sa pagtatapos nito.
Pinili kong kumanta sa kasal nila sa pag-asang pipiliin niya ako sa dulo. Ngunit ako'y nabigo.

Kasabay ng pagsilaglagan ng mga dahon sa kapaligiran, ang pagtanggap ko sa katotohanan, na siya at ako'y bahagi na lamang ng mapait kong nakaraan.

Melodies Of Misery (A One-shot And Flash Fiction Collection)+Where stories live. Discover now