Ang Isinumpang Sumpaan sa San Forgolo (One-Shot

1 1 2
                                    

"Hindi lang isa kundi marami nang sumubok na tuklasin ang matagal ng misteryo sa mga elemento tulad ng kapre, tiyanak, aswang at iba pa.

Ngunit wala nino man sa kanila ang nagtagumpay na makapagbigay ng matibay na ebedensiya na may katotohanan nga ang mga nabanggit."

Tahimik lang na nakikinig ang lahat ng mga mag-aaral sa nagsasalita nilang guro sa harapan sa loob ng pamantasang iyon ng San Forgolo. Napansin naman ng guro na tila ba interesante para sa lahat ang paksa.

Kitang-kita kasi sa namamanghang mata ng mga ito na nanunuot sa kanilang isip ang kaniyang tinatalakay.

"Ngunit batid niyo bang bukod sa mga elementong ito'y mayroon pang pilit na tinutuklas at hinahanap ang mga eksperto?" pagpapatuloy ng guro.

Nagpalakad-lakad ito sa harap ng mga estudyante habang pinaglalaruan ang tungkod na hawak.

May katandaan na kasi at namumuti na ang ilang hibla ng buhok nito kaya ito’y gumagamit na ng tungkod.

"Sila ang mga antingero."

Iginala nito ang paningin sa buong silid na tila ba may hinahanap.

Dumako ang tingin nito sa isang dalagang nakayuko sa sandalan ng kaniyang inuupuan.

"Sila ay ang sinasabing mga taong may kakaibang kakayahan o katangian. At ilan 'di umano sa mga ito ay ang taglay nilang kakayahang hindi tablan ng kahit na ano pang sandata tulad ng baril maging ng kahit ano'ng klase ng patalim."

Lumapit ito sa puwesto ng dalagang nakayuko, nang mag-angat ng ulo nito’y pinukulan niya ng nagtatanong na tingin.

Pinakaayaw kasi ng guro ay ang pagbabalewala sa kaniya habang nagtuturo.

Naintindihan naman ng dalaga ang ipinararating ng guro sa paraan ng pagsulyap nito kaya umayos siya ng upo.

Sandali na rin nang magsimula ang kanilang klase pero wala man lang naiintindihan si Awrora sa lahat ng mga sinasabi ng propesor.

Ilang araw na kasing masama ang kaniyang pakiramdam sa hindi niya matukoy na dahilan. At kung bakit may mga kakaiba rin siyang nakikita sa paligid.

Puno ng dugo. Nagkalat rin ang laman ng mga tao at mga hayop. May mga bangkay kung saan-saan at malalabong imahe ng mga kakaibang nilalang.

Maging sa guro nilang nagtuturo, animo'y may napapansin rin siyang hiwaga.

Nagsimula ang mga nangyayaring iyon sa kaniya nang minsa’y pumasok siya sa silid ng kaniyang Lola at buksan niya ang aparador nito na mahigpit nitong ipinagbabawal na pakialaman ninuman.

Tandang-tanda niya ang araw na ’yon. . .

Kararating lamang niya mula sa eskuwela at wala siyang nadatnan ni isang tao sa kanila.

Tutungo sana siya sa kusina upang uminom nang may kumalabog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nagmamadali siyang umakyat upang tingnan kung ano ang nandoon pero wala siyang nakita maliban sa bukas na silid ng kaniyang lola.

May pagkabahalang pumasok siya rito
at natagpuan na lang niya ang sarili sa harap ng aparador, na mula sa pagkabata niya’y naroon na ang kuryusidad kung bakit ito’y ipinagbabawal na buksan.

Nagdadalawang-isip si Awrora kung bubuksan ba niya ito o hindi pero higit na nanaig ang kagustuhan niyang malaman kung ano ang nilalaman ng aparador.

Hanggang maglakas-loob siyang hatakin ang telang nagsisilbi nitong kandado at matagumpay na nabuksan. Ngunit wala siyang ibang nakita kundi isang librong kulay itim. Ang pabalat nito’y nababalutan na ng makapal na alikabok.

Melodies Of Misery (A One-shot And Flash Fiction Collection)+Where stories live. Discover now