Rewrite The Scars (One-Shot)

1 0 0
                                    

“Huminga kang malalim, bes! Bibilang ako, ah? Isa, dalawa, push!”

Hindi ko alam kung ilang beses na kaming napatili ng bakla kong kaibigang si Chicky sa kuwarto ko.

I’m pretty but not sure, pagtatawanan kami ng makaririnig sa amin nito sa labas.

Bakit ba kasi ang sikip? Ang sakit na pero ayaw pa ring kumasya!

Kanina pa tagaktak ang pawis ko sa buong katawan pero wala pa ring nangyayari.

“B-bes, a-ayaw ko na. Baka ito pa ikamatay ko!” pagsuko ko kay Chicky.

“Kaunti na lang. Tiis-ganda, bes. Tiis-ganda!”

“Kahit anong gawin mong pangungumbinsi sa akin, bes, ayaw ko na. Kahit bigyan mo pa akong chicken with unli rice, hindi ko na kaya!”

Akma ko nang huhubarin ang sinusukat kong corporate attire nang makatanggap ako nang batok mula rito.

Nameywang ito sa harap ko.

“Hoy, Beatreze Bella Gracia Makaraig! Wala tayong ipambabayad diyan sa pinasadya mong corporate attire! Saan ako kukuha ng datung? Halangan ibenta ko ang Pearl of the Orient sea? I kennat!” Nagkunwari itong umiyak sa tapat ko.

Ang drama ng bruha. As if may perlas siya!

Imbes na pansinin ito’y pabagsak kong hiniga ang sarili sa kahoy na kama. Limang oras na akong nagsusukat ng damit!

Mag-a-apply kasi akong trabaho sa bayan at nahirapan akong maghanap ng isusuot. Nalibot ko na ang buong Mati, pero wala akong nakitang kakasya sa akin. Huwag niyo nang itanong kung bakit!

Buti na lang, naalala ko si Chicky. Nagtratrabaho kasi ito sa pagawaan ng damit, kaya tinawagan ko ito agad.

Maging sa boutique nila’y wala akong napala.

Nagsuhestiyon ang may-ari na sadyaan akong gawan ng damit. Bayaran ko na lang daw kapag natanggap ako. Kaso wala pa rin! Ayaw kumasya.

Ganoon na ba talaga ako ka-uniquely sexy? Ang sakit sa feels!

Bakit kasi nagkukusang pumasok sa kusina ang mga paa ko? At ang mga pagkain naman, walang paalam na pumapasok sa tiyan!

Sa paghiga’y umaasa akong makakapagpahinga na ang haggard kong beauty, ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang sumigaw si Chicky. Ang tinis ng boses nito.

Bago pa man ako makapagtanong ay nagpagulong-gulong na ang yummilicious kong body sa lupa.

Mga limang minuto pa ang lumipas bago rumehistro sa utak ko ang nangyari. Gumuho ang boarding house!

Kahit namimilipit ang buo kong katawan sa lakas ng impact ng pagkahulog ko’y pinilit kong tumayo upang matulungan si Chicky.
Tumingala ako sa pag-asang nagawa nitong kumapit sa kung saan pero hindi ko ito nakita.

Saan kaya ’yon tumilapon?

Ganoon na lang ang gulat ko nang may naulinigan akong igik sa aking paanan.

Naapakan ko si Chicky! At hindi lang naapakan, nagulungan ko pa yata!

“B-Bebang, umalis k-ka sa ibabaw k-ko! Ma-t-tegi na ako! I don’t wanna die unblemished. No way!”

Dali-dali akong umalis sa ibabaw ng katawan nito’t awang-awa itong tinulungang makatayo.

Humingi ako ng dispensa sa nangyari.

Suwerte ko lang na hindi nagalit sa akin ang best friend ko.

Pero sa naganap, kailangan ko na talaga ng trabaho.

Melodies Of Misery (A One-shot And Flash Fiction Collection)+Where stories live. Discover now