PROLOGUE

90 6 1
                                    

BETHANY’S POV

Nagulat ako kasi nakita ko yung mga gamit ko nasa labas.

“Bakit nasa labas ang mga gamit ko?? ” tanong ko kay Cedrick.

“ Lumayas ka na!! ” saad niya.

Nagulat ako kasi biglang lumabas si Vina‚ yung kaibigan ko.

“ V-Vina?? Ano to?? ”

“ Ano pa nga ba‚ lumayas ka na hindi ka na namin kailangan dito.. ”

“ Ano to Cedrick?? ”

“ May relasyon kayo ni Vina?? ” tanong ko.

Bigla akong nilapitan ni Vina at binulungan.

“ Dugyot ka raw kasi.. ” nakatawa niyang sabi.

Bigla ko siyang nisampal.

“ Walang hiya ka‚ pagkatapos kitang patuluyin sa pamamahay namin tapos ganito lang igaganti ko.. ”

“ Correction‚ hindi mo bahay to.. ” pangbabara ni Vina.

“ Pero ako nagbabayad ng bahay nato.. ”

“ Wait‚ wait hindi mo alam? Binili ko na yung bahay na ito.. ”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“ Binenta mo yung bahay Cedrick?? ” sabay tingin sa kanya.

“ Ano naman ngayon.. ”

“ Pero pera ko yung binayad ko dito‚ para sa mga anak natin to.. ”

“ Anak? may anak ba kayo? ”

Natigilan ako sa sinabi niya.

“ Bakit mo ba ginagawa sakin to Vina‚ kaibigan kita pano mo nagagawa sakin to.. ”

“ Tanga mo kasi‚ ang uto uto mo kasi ayan nahulog ka sa bitag ko.. ”

“ Anong ibig mong sabihin?? ” tanong ko.

“ Hindi naman talaga ako pinalayas samin‚ gusto ko lang makasama ang asawa mo.. ”

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“ Matagal na kayong may relasyon?? ”

“ Oo‚ at magkakababy na kami.. ”

“ Buntis ako at si Cedrick ang ama.. ”

Hindi ko mapigilang mapaluhod sa mga naririnig ko.

“ Mga hayop kayo.. ”

Aakmang susugurin ko na sana Vina pero pinigilan ako ni Cedrick.

“ Wag na wag mong sasaktan si Vina.. ” sabay tulak sakin.

Biglang kinuha ni Vina ang mga gamit ko at hinagis sa labas.

“ Lumayas ka na dito‚ wala ka ng lugar sa pamamahay na ito!! ” saad niya.

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa to sakin ng pinagkatiwalaan kung kaibigan.

Lumabas ako at kinuha ko ang mga gamit ko.

“ ALISSS!! ”

“ GUARD‚ PAALISIN NYO NGA TONG BABAENG ETO AT WAG NA WAG NYO NG PAPAPASUKIN DITO!! ” tawag niya sa mga guards.

Biglang dumating ang mga guards at hinawakan ako.

“ Wag nyo akong hawakan‚ kaya kung umalis mag isa.. ” pagpupumiglas ko.

Pero hindi ako pinakinggan.

“ Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko!! ”

Dinala ako guard sa labas at tinulak.

“ Babalik ako at matitikman ninyo ang ganti ko!! ” saad ko at umalis.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now