CHAPTER 17 : WE'RE OFFICIAL

9 2 0
                                    

Paggising ko kinuha ko agad ang cellphone ko nagbabakasaling nagreply na siya pero wala parin.

“ I miss him.. ”

Maya mya pa ay bumaba na ako‚ nagugutom na kasi ako.

Pagdating ko doon‚ may pagkain na nakalagay.

Nagluto si Cedrick ng pagkain para sakin.

Pagtingin ko bigla akong natakam sa pagkain na niluto niya.

Iniisip ko parin si Jericho habang kumakain.

Nabalik ako sa katinuan ng biglang may nag doorbell.

Pumunta agad ako sa labas at tiningnan kung sino.

I was really hoping that it was Jericho.

Pagkakita ko‚ isa lang palang delivery.

“ Delivery po ma’am.. ” sabay abot akin.

“ Thank you po.. ” walang gana kung sabi.

Nalungkot ako bigla‚ akala ko kasi si Jericho na yung pumunta.

“ Okay ka lang po ba ma’am?? ” tanong sakin ni delivery boy.

Tumango lang ako.

“ Alam mo ma’am sa pag ibig talaga hindi mawawala ang sakit. Kasama na yan kapag nagmamahal ka.. ” saad niya.

Natigilan ako sa sinabi niya.

“ P-Pero nasaktan ko yata siya ng hindi sinasadya.. ”

“ Ginusto mo ba?? ”

“ Hindi.. ” saad ko.

“ Yun naman pala eh‚ hindi pa huli ang lahat para itama mo. May pagkakataon ka pa para piliin ang tama at iwasto mo ang pagkakamali mo.. ”

Sa totoo lang may point siya.

Na realize ko lahat ng sinabi ng delivery boy.

“ Thank you‚ alis na ako.. ” saad ko habang dali daling pumunta sa taas para magbihis at puntahan si Jericho.

Umakyat ako agad‚ rinig ko pang tinawag ako ni Cedrick pero hindi ako nakinig.

“ Hindi pa huli ang lahat Bethany‚ kaya itatama natin.. ” bulong ko sa sarili ko.

Dali dali akong nagbihis at umalis.

Masayang masaya ako papunta sa bahay ni Jericho.

I even call him but he did not answer.

Binilisan ko ang takbo ng kotse ko para makarating agad.

Maya maya pa ay nakarating na ako. Nagulat ako kasi bukas yung gate nila. Hindi naman nila binubuksan yun. Habang papalapit ako‚ parang nararamdaman kung kinakabahan ako.

Binuksan ko agad ang kwarto ni Jericho.

“ Jericho I love.... ” hindi ko natuloy ang sinabi ko.

Nagulat ako sa nakita ko‚ may katabi siyang babae.

Sobrang enjoy na enjoy si Jericho sa mga nangyayari. Hindi man lang ako napansin na dumating ako.

Sinira ko ang pinto‚ sinadya kung lakasan para marinig at makita ako ni Jericho.

Tumakbo agad ako at umalis sa bahay niya.

Rinig ko pang sabi niya.

“ Bethany... ”

Pero hindi ko siya pinansin patuloy lang ako sa pagtakbo.

Hinabol niya agad ako.

“ Bethany‚ wait for me.. ” habang hinahabol ako.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now