CHAPTER 32 : I GUESS IT'S A GOODBYE

11 3 0
                                    

Umuwi ako na mabigat ang loob ko‚ hindi ko parin lubos maisip na iiwan ako ni Jericho. Sobrang durog na durog ako parang gusto kung sumigaw ng sumigaw mawala lang ang sakit na nararamdaman ko. Alam mo yung parang gustuhin ko nalang matulog ng habang buhay. Sobrang mahal na mahal ko si Jericho at hinding hindi ko siya makakalimutan kahit ako kinalimutann niya. I was still can’t believe na iiwan niya lang ako ng basta basta. Akala ko ba mahal niya ako pero bakit mas pinili niya ang iba. Bakit mas pinili niya na magpakasal sa iba. Iniisip ko talaga na mahirap ba talaga akong mahalin? ganun lang ba talaga ako kadaling bitawan?

Pagdating ko ng bahay‚ nakita ko si Manang.

“ Ma’am naabutan niyo po ba?? ”

Bigla akong napayakap sa kanya.

“ Manang‚ Jericho left me.. ”

“ He left me alone.. ”

“ Iniwan niya ako.. ”  habang humagulgol ako ng iyak.

Hinaplos haplos ni Manang yung likod ko.

Bigla niya akong pinaharap sa kanya.

“ Alam mo ma’am sa pag ibig normal lang na masaktan ka. Yung ganyang pangyayari ay isang pagsubok lamang. Kasama naman yung sakit kapag nagmamahal ka. Baka sinusubukan lang kayo ng tadhana kung hanggang saan lang kayong dalawa. Sinubukan kayo kung ilalaban niyo ba talaga ang isa’t isa o magpapadala ka sa mga pagsubok.. ”

“ Pero hindi niya akong nilaban manang‚ hindi niya ako mahal.. ”

“ Knowing sir Jeric‚ sobrang mahal na mahal ka niya.. ” saad ni manang.

“ Kung mahal niya ako‚ hindi niya ako iiwan. Hindi niya pipiliin ang babaeng yun at papakasalan.. ”

“ Kilala ko si si Jeric‚ sobrang mahal na mahal ka niya anak. Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sayo. Kaya niyang tiisin lahat ng sakit na nararamdaman niya para lang hindi ka masaktan.. ”

“ Madali ba talaga akong bitawan manang?? ”

“ Alam mong hindi totoo yan at alam kung alam mo rin ang sagot diyan.. ”

Nabigla ako sa sinabi niya.

May kinuha siya sa bulsa niya.

“ Read that.. ” sabay abot sakin ng cellphone ko.

“ Paano niyo po nakita to?? ”

“ Nakita ko sa kwarto niyo naiwan niyo.. ”

“ Chinarge niyo ?? ”

“ Oo.. ”

“ Ang daming message galing kay sir Jericho.. ”

Bigla kung tiningnan yung phone ko.

Pagtingin ko nakita ko yung mga message sakin ni Jericho.

Pero ang nakuha ng pansin ko yung sinabi niya last.

“ KAPAG PINIGILAN MO AKO HINDI NA AKO AALIS PA!! ” yan yung text niya.

Bigla akong napaluhod sa nakita ko.

“ All this time pala hinihintay niya akong dumating.. ”

“ Akala ko hindi niya ako mahal.. ”

“ Sobrang tanga ko‚ ang tanga tanga ko.. ”

“ Sana nung una palang pinatawad ko na siya.. ” sunod sunod na sinabi habang hindi mapigilang tumulo yung mga luha ko.

“ Tumayo ka po ma’am.. ”

Tumayo ako at niyakap ko ulit si Manang.

“ Everything will be okay anak.. ” saad ni Manang.

Bigla akong mapahagulgol sa sinabi niya. Paano naman magiging maayos ang lahat kung wala na si Jericho sa tabi ko. Paano pa ako sasaya kung wala na siya sakin. Hindi na ako magiging masaya pa dahil wala na siya.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now