CHAPTER 26 : CHOOSING HER AGAIN

12 2 0
                                    

JERICHO’S POV

Nasa opisina ako nagtatrabaho nang biglang tumunog yung cellphone ko.

Pagtingin ko‚ si Manang.

“ Hello manang‚ napatawag ka po?? ”

“ Sir Jericho‚ may sasabihin po ako.. ”

“ Ano po yun? tungkol ba kay Bethany?? ” tanong ko.

“ Sir Jericho‚ alam niyo po ba na pumunta ang mommy mo dito sa Hospital.. ”

Napatayo ako sa sinabi niya‚ nagulat ako kasi bakit naman pupunta si Mommy dun.

“ Hindi ko po alam‚ kailan po ba pumunta?? ”

“ Kahapon po‚ nag usap yata sila ni ma’am Bethany.. ”

Binaba ko na agad ang tawag at nagmadaling pumunta sa Hospital  Gusto kung makakausap si Bethany.

Dali dali akong nagbyahe papunta sa Hospital.

Maya maya pa ay nakarating na ako.

Dali dali akong pumunta sa room ni Bethany. Buti nalang at wala si Cedrick doon. Hindi rin naman nila ako makilala kasi naka jacket ako at cap.

Pagkakita ko kay Bethany‚ inalis ko na agad.

Natutulog siya ngayon ng mahimbing.

Nilapitan ko siya at pero nagulat ako kasi mugto mga mata niya.

Hinalikan ko siya bigla sa noo.

Bigla siyang nagising sa ginawa ko.

“ Anong ginagawa mo dito.. ” saad niya.

“ Bethany‚ I miss you.. ”

“ Bakit ka na naman nandito.. ”

“ Namimiss ko lang girlfriend ko.. ”

Bigla siyang tumawa.

“ Bakit?? ” takang tanong ko.

“ Girlfriend? nagpapatawa ka ba?? ”

“ Bakit? ”

“ Ano ba Jericho‚ hanggang kailan ka ba magsisinungaling.. ”

Bigla akong napatigil sa sinabi niya.

“ What do you mean?? ”

“ Wag ka ngang magkunwaring hindi mo alam‚ ang plastic mo!! ” saad niya.

“ I don’t have any idea.. ”

Bigla siyang tumayo at may kinuha.

“ Explain that!! ” saad niya.

Tiningnan ko ito at bigla akong nagulat sa nakita ko. Picture namin nung engagement party namin ni Michell.

“ Let me explain.. ” hinawakan ko yung kamay niya.

Pero inalis niya.

“ Why you need to do this Jericho.. ” habang umiiyak.

“ Hayaan mo akong magpaliwanag.. ”

“ Totoo ba ito?? ” tanong niya sakin.

Bigla akong napatigil sa sinabi niya.

Hindi ako makasagot.

“ Ang sabi ko totoo ba to Jericho?? ”

Tumango lang ako.

“ Just listen to me.. ”

“ G*go ka pala eh‚ akala ko iba ka kay Cedrick wala ka naan palang pinagkaiba sa kanya.. ”

“ MGA MANLOLOKO!! ” sigaw niya.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now