CHAPTER 20 : BAD DREAM

10 2 0
                                    

Bigla akong nagising dahil sa lakas ng boses ni Cedrick.

“ STEPHANY GISING.. ”

“ STEPHANY GISING NANANAGINIP KA.. ”

Pagmulat ko ng mata ko nakita ko agad si Cedrick.

Yinakap ko agad siya.

“ Akala ko talaga mawawala tong anak natin.. ”

“ Shhh‚ panaginip lang yun.. ”

Bigla niya akong hinarap.

“ Wag ka na mag alala‚ panaginip lang yun. Hindi mawawala ang anak natin.. ”

Hindi ko parin ako maka get over sa panaginip ko. Para talaga siyang totoo. Akala ko mawawala na talaga ng tuluyan ang baby ko.

“ Kumain ka na muna‚ alam kung gutom ka na.. ”

Inalalayan niya akong makatayo.

Pumunta kami agad sa kusina.

“ Heto‚ pinagluto kita ng paborito mong pagkain.. ” sabay abot sakin ng adobo.

“ Thank you.. ”

“ Kumain ka na‚ wag mo na isipin yun. Hanggat nandito ako sa tabi mo hindi mawawala ang baby natin.. ”

Ngumiti lang ako sa kanya at kumain na rin.

“ Hindi ka kakain?? ” tanong ko.

“ Hindi na‚ makita ko lang na busog ka busog na rin ako.. ” pabiro niyan sabi.

“ Boleroo.. ”

Ngumiti lang siya sakin.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Maya maya pa ay natapos na kami.

“ Magbihis ka na at may pupuntahan tayo.. ” saad niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

“ Pupuntahan? Saan?? ”

“ Basta‚ magbihis ka na.. ”

Kaya umakyat nalang ako at nagbihis.kahit wala akong idea kung saan niya ako daldalhin nagbihis nalang ako.

Maya maya pa ay bumaba na ako.

“ You look so beautiful.. ” saad niya habang nakatingin sakin.

“ Neknek mo.. ”

Ngumiti lang siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at umalis na kami.

“ Take care.. ” sabay alalay sakin pagpasok sa kotse niya.

Maya maya pa ay umalis na kami.

“ Saan ba talaga tayo pupunta?? ” tanong ko.

“ Malalaman mo rin.. ” saad niya.

Ano na naman kaya plano nito‚ saan niya kaya ako balak dalhin.

“ Baka naman kikidnapin mo ako ah.. ” pabiro kung sabi.

Bigla siyang tumawa.

“ Edi hindi na kidnap yung tawag kasi kusa ka naman sumama.. ” singit niyang sabi.

Napatawa ako sa sinabi niya. Sa totoo lang parang bumabalik yung dating Cedrick na kilala ko. Yung Cedrick na maalaga‚ gentleman‚ at mabait noon. Yun yung namiss ko sa kanya. I still can’t believe na makikita ko pa yung side niya noon. Kasi simula ng nagkakalabuan na kami at nakilala niya si Vina nagbago nalang diay bigla. Nagbago na rin yung pakikitungo niya sakin dahil dun.

Maya maya pa nakarating na kami sa isang restaurant.

Pagtingin ko parang familiar sakin yung restaurant. Hindi nga ako nagkamali‚ ito yung dati naming pinupuntahan pag nagdadate. Dito rin kami nagkakakilala.

[ FLASHBACK ]

Bigla ko nalang naisipan na pumasok sa loob‚ hindi ko rin alam kung bakit.

Maya maya pumasok na ako.

Pagkapasok ko palang‚ namangha ako dahil sa ganda sa loob. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda sa loob.

Umupo ako at nag order.

“ Isa nga po nito.. ” saad ko.

Maya maya pa ay dumating na yung pagkain.

Pero nagulat ako dahil hindi naman yun yung nakita kung lalaki kanina.

“ Heto na po miss beautiful.. ” sabay kindat sakin.

Inirapan ko lang siya.

“ Pwede ba akong tumabi?? ” saad nung lalaki.

“ At bakit ka tatabi?? ” sungit kung sabi.

“ Para may kasama ka.. ” saad niya.

“ Hindi na‚ bumalik ka nalang sa trabaho mo.. ”

Nagulat ako ng may nagsalita.

“ Sir Cedrick‚ ako na po jan.. ” saad nung lalaki na nakita ko kanina.

Napalunok ako ng laway sa sinabi kasi yung kanina na sinungitan ko may ari pala ng restaurant na ito.

Bigla akong ngumiti ng pilyo sa kanya.

“ So‚ pwede na ba kita tabihan?? ”

Wala nalang akong ginawa kundi pumayag.

“ I’m Cedrick‚ and you?? ” saad niya sabay abot ng kamay niya.

“ I’m Bethany.. ” saad ko sabay kuha ng kamay niya.

[ END OF FLASHBACK ]

Pagkatapos nun‚ nag uusap at nagkikita na kami palagi. Actually‚ dun ko din siya sinagot mismo. I remember those times kung saan naging masaya ako. Yun yung panahon na wala na akong hihilingin pa kundi makasama lang si Cedrick.

Nabalik ako sa katinuan ng biglang nagsalita si Cedrick.

“ Pasok na tayo.. ” saad niya.

Pumasok na agad kami.

Hindi ko rin alam kung bakit ako naluluha. Bumalik lang lahat ang alaala ko.

Umupo na kami at nag order.

Ang ikinagugulat ko inorder niya yung dating inooder niya sakin noon. Hindi ko mapigilang isipin na baka alam na niya na ako si Bethany.

“ Bakit yan inorder mo?? ”

“ Ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto? Papalitan ko.. ”

“ Hindi na.. ” saad ko.

Maya maya pa ay dumating na ang pagkain.

“ Kumain ka ng marami Steph.. ” sabay abot ng pagkain.

“ Thank you.. ”

Maya maya kumain na kami.

Habang kumakain kami‚ nakatitig lang ako sa kanya. I can see that he’s happy right now. Nararamdaman kung masaya siya na kasama ako. Naalala ko talaga lahat ng masasayang alaala namin na magkasama. Everytime I saw Cedrick‚ I see the happiness in his eyes.

“ Baka matunaw ako sa kakatitig mo.. ”

Bigla akong napatigil sa tingin sa kanya.

“ Neknek mo.. ”

Tumawa lang siya sakin.

Maya maya pa natapos na kami.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now