CHAPTER 8 : THE TRUTH

17 2 0
                                    

Bigla akong nagising dahil sa amoy na naaamoy ko.

“ Good morning hon‚ let’s eat.. ” saad ni Jericho.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sino ba naman hindi mapapangiti kung ganun kagwapo ang bubungad sa paggising mo.

“ Wow‚ ikaw nagluto?? ” tanong ko sabay ngiti sa kanya.

“ Mm.. ”

“ Kain ka na at sabay na tayong pupunta sa WvP Company.. ”

“ Okay‚ nagugutom na rin ako.. ”

“ Try this‚ diba paborito mo to?? ” sabay abot niya ng adobo.

“ Yeah‚ niluto mo yan para sakin?? ”

“ All for you honey.. ” saad niya.

“ Kumain ka na‚ I know napagod ka kagabi.. ” sabay ngisi niya.

Bigla kung naalala yung nangyari kagabi‚ hindi ko mapigilang matawa.

Tumawa lang ako sa kanya at kumain na rin ako.

Maya maya pa ay natapos na kami.

“ Maliligo lang ako.. ” paalam ko.

“ Can I join?? ” nakangisi niyang sabi.

“ Baliw‚ may lakad pa tayo.. ” saad ko.

“ Just kidding‚ akala ko lulusot sayang.. ” saad niya.

“ Pilyo mo.. ” saad ko at umalis.

Pumunta na agad ako sa cr at naligo.

Maya maya pa ay natapos na ako.

Pumunta ako agad sa itaas at nagbihis na.

“ Let’s goo.. ” saad ko.

“ Are you ready?? ” tanong niya.

“ I’m born ready.. ”

“ Kung ganun‚ let’s go hold my hand.. ” saad niya.

Kinuha ko yung kamay niya at umalis na kami.

Maya maya pa ay nakarating na kami. Pagkadating na pagkadating namin expected na na magkakagulo kasi inalis na namin sila Vina at Cedrick sa kompanya. Sinali ko na rin si Lea‚ since kasabwat naman yun ni Vina noon. Narinig kung galit na galit na si Vina‚ pinapagalitan niya yung mga guards dahil ayaw na silang papasukin sa loob.

Rinig ko pang sinabi niya.

“ Papasukin niya ako‚ baka hindi niya nakikila kung sino ako.. ” saad niya habang nanggagalaiti sa galit.

“ Hindi po talaga pwede ma’am.. ” saad nung guard.

“ Hindi mo ba ako kilala?? Ako ang may ari ng kompanyang ito.. ”  saad ni Vina.

“ Umalis ka jan o tatanggalin ka namin sa trabaho.. ” saad ni Cedrick.

“ Alis daw sabi.. ” saad ni Lea.

“ Hindi po talaga pwede‚ antayin nalang po natin yung bagong may ari.. ” saad nung guard.

“ Sino ba kasi yang bagong may ari na yan.. ” saad ni Vina.

Tumingin ako kay Jericho.

“ Are you ready Bethany?? ”

“ I am.. ” saad ko.

Lumapit ako sa kanila at nagsalita.

“ Wag na wag nyong papasukin yan.. ” saad ko.

Tumingin na sila sa direction ko‚ nakita ko kung paano nagulat sila dahil nakita nila ako.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now