CHAPTER 12 : IGNORING HIM

9 1 0
                                    

Maaga akong nagising‚ hindi ko alam kung bakit ako maaga gumising. Pagtingin ko sa orasan 4 o’clock pa ng umaga.

Bigla kung naalala si Jericho‚ tinitingnan ko agad ang cellphone ko nagbabakasaling tinawagan or tinext niya ako kagabi. Bigla akong nalungkot sa nakita ko‚ he did not text or even call me. Until now hindi parin tumatawag sakin si Jericho‚ nag aalala na ako sa kanya. I still can’t believe na aabot nang ilang araw ang hindi pagtawag or text sakin. Hindi naman kasi siya ganun sakin. First time siyang hindi tumawag sakin‚ kaya naninibago ako.

Pumunta agad ako sa kusina at nagluto na ng breakfast.

Habang nagluluto ako hindi mawala sa isip ko si Jericho.

“ Bakit kaya hindi siya tumatawag sakin.. "

“ Galit ba talaga siya?? ”  bulong ko sarili ko.

Bigla akong napaso.

“ ARAYYY.. ” saad ko.

Sobrang sakit ng kamay ko‚ buti nalang at hindi gaanong malala.

Binilisan ko na agad ang pagluluto ko kasi bigla akong inantok. Sobrang aga pa kasi pero nagluto nalang ako nang maaga para paggising namin mamaya may kakainin na kami. Ayoko rin istorbohin si Manang kasi baka natutulog pa siya.

Maya maya pa ay natapos na agad ako.

Pupunta na sana ako nang biglang may tumawag.

Pagtingin ko sa number‚ It was Jericho.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba yung tawag niya o hindi. Nagtatampo parin ako dahil ilang days niya akong hindi tinatawagan‚ kahit text man lang wala.

Nagriring parin yung phone ko‚ tinitigan ko lang yung phone ko.

Maya maya pa ay pinatay ko nalang at hindi ko sinagot yung tawag niya.

Pumasok na agad ako sa kwarto ko since maaga pa naman.

Humiga ako at aakmang matutulog na sana nang biglang tumawag ulit si Jericho.

“ Ngayon ka pa talaga tumawag‚ pero noon isang araw kahit kamusta  man lang hindi mo nagawa. Ngayon pa na nagtatampo nako sayo‚ manigas ka che!! ” saad ko.

Pinatay ko agad yung phone.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang tumunog yung cellphone ko.

“ ANO NA NAMAN SASABIHIN NITO.. ”

Pagtingin ko Hindi pala si Jericho yung nagtext.

Nagtext yung secretary ko‚ cancel daw yung meeting namin ngayon dahil may lakad raw yung isang clients namin.

“ Akala ko naman sino.. ”

Hindi ko alam pero hinihintay ko parin na tumawag ulit si Jericho.

Umabot nang ilang minuto pero hindi na tumawag si Jericho.

“ Bilis naman niyang sumuko.. ” saad ko.

Maya maya pa ay nararamdaman ko nang inaantok na ako kaya natulog na rin ako.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang