CHAPTER 9 : ONE NIGHT STAND

15 3 0
                                    

JERICHO’S POV

Papunta na sana ako bahay ni Bethany nang bigla kung nakita si Cedrick na lumabas sa bahay ni Bethany.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papaalis siya.

“ Ano na naman kayang ginagawa ni Cedrick dito.. ” bulong ko.

Nang makaalis na siya pumasok agad ako.

Pumunta agad ako sa kwarto ni Bethany.

“ Bethany... ” tawag ko sa kanya.

Wala pa rin akong nakikitang Betcha.

“ Bethany‚ nasan ka.. ”

Biglang dumating si Bethany‚ galing sa cr.

“ Jeric?? ” gulat niyang sabi.

“ Bethany‚ ano na naman ginagawa nung lalaking yun dito.. ”

“ Hinatid niya lang ako.. ”

“ Pumayag ka?? ”

“ Oo kasi wala naman akong magawa‚ wala ka naman kanina e.. ” saad niya.

“ Kahit na Bethany‚ bakit mo pinapapasok yun dito.. ”

“ Delikado siyang tao hindi mo sana siya pinapapasok ng basta basta.. ” dagdag ko.

“ Para naman sa plano natin yan Jeric.. ”

“ Bethany‚ hindi siya mapagkakatiwalaan.. ”

“ Akala ko kasi makakatulong.. ” saad niya.

“ I know‚ I understand pero kailangan mong mag ingat Bethany lalo na’t buntis ka.. ”

“ Kaya ko naman sarili ko.. ”

“ Mapanganib na tao si Cedrick ‚kita mo naman diba ginawa sayo noon.. ”

“ Sorry‚ Galit ka ba?? ”

“ Hindi ako galit‚ sinasabi ko lang Bethany alam mo naman yung ginawa sayo jung lalaking yun diba. I just want the best for you.. ”

“ Sorry.. ” habang niyayakap ako.

“ Gusto ko lang yung makakabuti sayo.. ”

Hahalikan ko na sana siya nang biglang may paparating na tao.

“ Magtago ka Jeric dali.. ”  saad niya.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya nagtago nalang ako. Wala akong idea kung anong nangyayari at sino ang paparating.

Nagulat ako ng bigla kung nakita si Cedrick dala dala ang gamit niya.

“ Baby‚ nandito na ako.. ” saad niya sabay yakap kay Bethany.

Nagulat ako sa nakita ko‚ hindi ko mapigilang masaktan sa mga nakikita ko. Hindi ko akalain na ganun ang makikita ko. Biglang nanigas ang mga paa ko at hindi ako makagalaw.

Tiningnan ko lang sila‚ nakita ko pang tumingin sakin ni Bethany.

“ Baby‚ nagpapakabait ka naman sa mommy mo.. ”

“ Behave ka lang baby ah‚ wag masyadong pahirapan si mommy.. ” saad ni Cedrick sabay hawak sa tiyan ni Bethany.

Tuwing nakikita ko sila na magkasama parang sumisikip yung dibdib ko. Hindi ko kayang nakikita na may kasamang iba si Bethany. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko‚ tiningnan ko lang sila. Hindi parin ako umalis kahit nasasaktan na ako.

“ Simula ngayon baby‚ dito na ako titira pansamantala para maalagaan ko kayo ng mommy mo.. ” saad ni Cedrick.

Nagulat ako sa narinig ko‚ si Cedrick titira kasama si Bethany. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gustong gusto kung magpakita pero hindi pa yung tamang panahon para ireveal. Kahit gustuhin ko man hindi pa talaga pwede. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang dalawa‚ alam yung parang hindi ako mapakali.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now