CHAPTER 1 : THE PLAN

51 3 0
                                    

BETHANY’S POV

Pagkatapos ng ginawa sakin nila Cedrick sakin‚ I felt so betrayed by my own best friend. Hindi ko lubos maisip na magagawa yun ng pinagkakatiwalaan kung kaibigan. Sobrang pinagkakatiwalaan ko siya pero sa huli kung sino pa yung pinagkakatiwalaan mo sila pa yung tatraydor sayo. Nalaman ko rin na matagal na pala silang may relasyon dalawa. Ginawa nila akong laruan‚ pinaglaruan lang nila ako.

“ Bethany‚ saan ka na ngayon titira.. ” tanong sakin ni Lea.

“ Hindi ko alam‚ hindi ko na alam ang gagawin ko.. ” habang hindi mapigilang maiyak.

“ Pano ba nila nagagawa yun sayo.. ”

“ Ang tanga tanga‚ sobrang tanga ko.. ” sabay suntok sa ulo ko.

“ Wag mo sisihin sarili mo‚ wala kang kasalanan.. ”

“ Isa pa yung kaibigan mong hipokrita‚ ang kati kati pati jowa ng kaibigan sinalo.. ” gigil na sabi ni Lea.

Hindi parin talaga ako makapaniwala na mangyayari to‚ okay naman kami ni Vina pero bakit kami umabot sa ganito.

“ Dito ka muna tumuloy habang naghahanap ka pa ng trabaho.. ” saad ni Lea.

“ Salamat Lea‚ kung hindi dahil sayo wala akong matitirhan ngayon.. ”

“ Wala yun‚ basta para sayo.. ”

“ Ilagay mo na mga gamit mo dito at magpahinga na. Alam kung pagod ka.. ” saad niya.

Kinuha ko na yung gamit ko at nilagay sa lalagyan.

Maya maya pa ay pumasok na rin ako sa kwarto at nagpahinga.

FAST FORWARD ⏩

Maaga akong nagising para maghanap ng trabaho.

“ Lea‚ alis na muna ako maghahanap ako ng trabaho.. ”

“ Oh sige‚ mag iingat ka.. ”

Lumabas na ako at umalis na rin.

Huminto ako kasi may nakita akong hiring na trabaho sa kanto.

Pumunta ako at tinanong.

“ Miss hiring pa po ba kayo?? ”

“ Ay pasensya na miss‚ overload na kami.. ” sabay kuha sa poster ng hiring.

Umalis nalang ako at naghanap ulit.

Ilang lugar din pinuntahan ko pero bigo akong matanggap. Hindi kasi ako naka graduate ng college kaya hindi ako nakakapasok. Kadalasan kasing hanap nila mga college graduate ako.

Hanggang sa napagdesisyonan kung umuwi nalang kasi nagugutom na rin ako at wala akong perang pambili slng pagkain.

Habang nasa byahe ako‚ parang may nakita akong familiar na tao sa ‘di kalayuan.

Tumigil ako at pumunta sa direction na yun.

Tumigil ako sa may puno at pinakinggan ko ang usapan nila. Hindi ko gaanong kita yung mukha ng 1 babae kasi natakpan ng puno yung isa. Pero ang tanging nakita ko lang ay si Vina may kausap na babae.

Pinakinggan ko ang usapan nila.

“ Nagawa mo ba yung pinag uutos ko sayo Lea.. ” saad ni Vina.

“ Oo naman Vina‚ nandun sa bahay ko si Bethany.. ”

“ Good‚ alam mo na ang gagawin mo.. ”  saad ni Vina.

“ Yes boss.. ” saad ni Lea.

Maya maya inabot no Vina ang pera.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa mga naririnig ko. All this time pala pinapaikot lang pala ako nila Lea. Kasabwat pala sila ni Vina sa mga panlolokong ginawa niya. May pa concern concern pa siyang nalalaman isa rin palang traydor.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now