CHAPTER 4 : THIRD PLAN

20 3 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Jericho sa office.

“ So Bethany‚ this is the right time para sa 3rd plan natin.. ” saad ni Jericho sakin.

“ I can handle this Jeric.. ”

“ Ako na bahala kay Vina.. ” saad ko.

“ Good to know.. ”

“ May tatawagan lang ako.. ” paalam ko sa kanya.

Lumayo muna ako kasi may tatawagan ako.

“ Hello‚ Charlie alam mo ng gagawin mo.. ”

“ Yes miss Steph‚ maayos na po ang lahat.. ”

“ Mamaya papunta na rin si Vina jan‚ abangan mo.. ”

“ Yes miss.. ” saad niya.

Binaba ko na yung telepono at pumunta agad sa WvP Company.

As expected‚ nandun na yung inutusan kung holdapin si Vina. Tapos papalabasin ko na tinulungan ko siya para mahulog si Vina sa bitag ko at para magtiwala siya sakin. Gagawin ko ang lahat para makuha ang loob niya at pagkatiwalaan niya ako. Gusto kung iparanas sa kanya kung pano maghiganti ang isang gaya ko. Gusto kung maramdaman niya kung paano ang ginawa niya sakin.

Maya maya pa ay lumapit na ako at nagtago muna sa pader. Hindi muna ako lumabas kasi naghahanap pa ako ng timing para lumabas.

Pinagmasdan ko lang muna sila.

Lumapit na yung inutusan ko at tinutukan ng baril.

“ Holdap to ibigay mo lahat ng pera at gamit mo.. ”

“ Anong ginagawa niyo.. ” saad ni Vina.

“ Ibigay mo lahat kundi ipuputok ko to sa ulo mo.. ”

Sa sobrang takot ni Vina binigay niya lahat ng gamit niya.

“ Ibibigay ko na wag niyo lang akong saktan.. ”

Kinuha nila yung gamit lahat ni Vina.

“ Please wag na wag niyo akong saktan may anak pa ako.. ”

“ Itaas mo lang mga kamay mo.. ”

Nakita ko kung paanong takot na takot si Vina‚ ganyan yung takot ng pinaranas niya sakin lahat ng yan noon.

[ FLASHBACK ]

Pauwi na sana ako ng biglang may humawak sakin na mga lalaki.

“ Anong ginagawa niyo.. ” saad ko.

“ Wag kang sisigaw at gagalaw kundi ipuputok ko to sa ulo mo.. ” saad nung lalaking naka mask.

“ Parang awa niyo na wag nyo akong saktan.. ” pagmamakaawa ko sa kanya.

Hanggang sa nakaisip ako ng paraan para makatakas.

Akala ko makakatakas na ako ng bigla niya akong hinila at bigla niya akong sinapak sa tiyan.

“ Arayy.. ”

“ Sabing wag kang gagalaw eh‚ ayan nasaktan ka.. ”

“ TULONGGGGG.. ” sigaw ko.

Maya maya pa ay dumating si Vina at tinulungan ako.

[ END OF FLASHBACK ]

Nung mga araw na yun‚ akala ko totoo lahat ng yun. Pero ang totoo palay siya rin pala ang may pakanan ng lahat ng ito para mapaikot ako at para magtiwala ako sa kanya. Plinano niya lahat ng yun para pagkatiwalaan ko siya at para na din maging magkaibigan kami.

Kaya ngayon‚ gusto kung maranasan niya kung gaano ako natakot nung ginawa niya sakin yun. Pero iniba ko ng konti‚ gusto ko yung sobrang matakot siya yung wala siyang ibang gawin kundi ang umiyak at magmakaawa.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now