CHAPTER 31 : NO MORE PROMISES

11 2 0
                                    

BETHANY’S POV

Nasa bahay ako ngayon nagpapahinga. Bigla akong nag crave ng mangga kaya tinext ko si Cedrick para bilhan ako.

Makalipas ang ilang minutes na pag aantay wala parin Cedrick na dumating.

“ Nasaan na naman kaya yun.. ” bulong ko.

Bumaba ako para kumuha nalang ng pagkain na kakainin ko.

“ Manang.. ” sigaw ko.

“ Yes ma’am?? ”

“ May junk foods pa ba?? ”

“ Nako ma’am ubos na po.. ”

Bigla akong nalungkot.

“ Sige manang‚ salamat po.. ”

Aalis na sana ako ng biglang nagsalita si Manang.

“ Ma’am alam niyo po ba na ngayon ang alis ni sir Jeric.. ”

Bigla akong nagulat sa sinabi niya‚ naaalala ko na ngayon nga pala yun.

Dali dali akong pumasok sa loob at kunin susi ng sasakyan saka phone ko.

Tatawagan ko sana si Jericho pero biglang nalowbat yung cellphone ko.

“ Ngayon ka pa talaga na lowbat.. ”

Dali dali akong tumakbo papalabas ng bahay.

Nagdrive ako‚ binilisan ko yung takbo ko para maabutan ko si Jericho.

Pero sa hindi inaasahan‚ traffic.

“ Kapag minamalas ka nga naman.. ”

Naghintay ako pero hindi parin umuusad.

Pagtingin ko sa orasan ko‚ 8:40 na it means 20 minutes nalang aalis na sila Jericho.

“ Please Jericho‚ antayin mo ako.. ” bulong ko.

Bigla ko nalang naisipan na takbuhin ko nalang yung airport.

Tinakbo ko airport‚ kahit sobrang init hindi ko iniintindi na mainit basta ang importante ay mapuntahan ko si Jericho at mapigilan ang pag alis niya.

“ Ang layo ko pa‚ jusmeyo kaya ko ba to.. ” hingal na hingal kung sabi.

Tumakbo ako sa abot ng makakaya ko.

Pagtingin ko sa orasan ko it’s already 8:50‚ 10 minutes nalang aalis na sila.

Hindi ko mapigilang mapaiyak.

“ Jericho please antayin mo ako.. ”

“ Wag mo akong iwan.. ” bulong ko.

Maya maya pa ay may biglang huminto.

“ Bethany?? ” gulat niyang sabi.

“ Oliver? ”

“ Bakit tumatabo ka.. ”

“ Na traffic kasi kanina kaya tinakbo ko nalang yung airport.. ”

“ Pwede bang makisakay ako papuntang airport??”

“ Sige‚ sakay na.. ”

“ Salamat.. ”

Dali dali akong sumakay.

“ Please paki bilisan Oliver‚ baka hindi ko maabutan si Jericho.. ”

“ Alright.. ”

Binilisan niya yung pagtakbo.

Tiningnan ko bigla yung orasan‚ it’s already 8:55 in the morning.

“ Wag mo akong iwan Jericho please.. ” bulong ko.

BOOK 1 : BROKEN PROMISES [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now