2

23.2K 796 27
                                    

Natahimik ang buong silid ng pumasok sya. Lahat ng estudyante na naroon ay napatingin sa kanya.

Nasa classroom sya ng first subject nya para sa araw na iyon at tulad ng mga nakaraan na taon. Nagbulungan na naman ang mga bago nyang classmates, all in her expenses.

"Schuck! Bakit classmate natin ang panget na malas na yan!"

"Oh my mahahaluan tayo ng basura!"

"I want to go lipat na ng classroom ayaw kong mahawa kay Malas!"

Lahat iyon naririnig nya,dahil sadyang pinaparinig sa kanya.
Hindi sya umimik at yuko ulo lang na naglakad at naghanap ng upuan.

Nakakita naman sya ngunit bago pa man sya makaupo may sumigaw na.

"Hoy malas huwag kang umupo dyan, ayaw kitang katabi!" singhal sa kanya ng magandang babae na nakatayo sa harap nya. Si Pricilla ang anak ng amo nya sa pinagtratrabahuhan na restaurant, isa rin ito sa madalas na mambully sa kanya.

Tahimik na umalis sya sa upuan at sa harap nito.

Sa pinakadulo sya nakaupo sa tabi ng bintana, may dalawang bakante pa sa tabi nya na sigurado syang di uupuan.

Nasisinagan sya ng araw sa pwesto nyang iyon, na hindi nya pinansin di bale ng mainitan wag lang mapag-initan ng mga classmates nya.

Yuko ang ulo at tahimik lang syang nakaupo. Samantalang ang mga classmates nya maiingay at sige sa pagyayabangan.

Inabala nya ang sarili sa pagbuo ng key chain puzzle nya na paruparo ang design.

Hindi pa sya nag-iinit sa pagkakaupo ng may lumipad na libro sa harap nya.

Sa gulat nya napatayo syang bigla dahilan para tumama ang nasaktan nyang hita sa table ng armchair. Napasinghap sya sa sakit.

Tumawa ang mga classmates nya.

"Oppss sorry nabitawan ko at lumipad. Hindi ko alam kung bakit." Si Priscilla na hindi naman mukhang nags-sorry nakangiti pa nga ito. Napahawak ito sa bibig. "Oh i think i know na, kasi malas ka! Ang dami-dami namang pwedeng bagsakan ng libro ikaw pa. You are really a jinx, right guys?"

Sumigaw bilang pagsang-ayon ang mga classmates nya saka tumawa ulit.

Napaupo na lang siya at muling yumuko.

"Mukhang nagkakasayahan tayo ah."

Napatingin silang lahat sa pinto ng may nagsalita mula ruon.

"Sky!" Tili ni Priscilla.

"Hi to all of you." bati naman nito na humakbang papasok.

Sinalubong ito ni Priscilla, ng ilang kababaihan at mga lalaking kaibigan nito.

"OMG, don't tell me classmate kita sa subject na'to!"

"Come on Priscilla, para namang napakalaking deal kung magiging classmate nyo ako."

"Of course karangalan namin na maging classmate ang isang Sky Aragon." sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Priscilla at nagpakilala rito.

Lahat nagpakilala rito maliban sa kanya na nagpakayuko yuko pa.

"Classmate ko sya...classmate ko si Sky Aragon."

"And that girl at the back? What's her name?"

Natahimik ang lahat sa tanong ni Sky samantalang napaangat sya ng tingin.

Ganon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso nya ng magtama ang mga mata nila, his eyes is piercing her. Tila palaso ang mga mata nito na nakatitig sa kanya.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon