21

27K 794 48
                                    


Dedicated sa Inyo na naghihintay ng update ko.

Enjoy po.

*****


Sabi ko hihiramin ko muna ang pagkatao ni Alaina. Kahit ngayong gabi lang.

Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa isip ko at naisip ko yun.

Buti na lang may isang Margaret na sumingit sa eksena namin dalawa inagaw at umukopa ng oras ni Sky.

Gabi na at ang party nauwi na sa swimming party.

Halos lahat ng bisita na ka swimsuit na at umiinom.

Ako nasa isang mesa na nasa gilid ng pool at nagmamasid sa paligid.

Iniiwas ko ang tingin ko sa gwapong nilalang na lumalangoy sa pool.

Mula pa kanina pagkatapos namin magsayaw ni Sky. Pilit ko na syang iniiwasan.

Laging dalawang hakbang ang layo ko sa kanya at hindi ko sinasalubong ang mga tingin nya.

Kapag lalapit sya nagkukunyari akong may kausap sa cellphone, o di kaya ay aalis ako sa pwesto ko.

And for the first time pinagpapasalamat ko ang pagiging simpleng malandi ni Margaret.

Dumako ang tingin ko sa binata na paahon na sa pool.

Muntik ko nang mailuwa ang pineapple juice na iniinom ko ng bumalandra sa mga mata ko ang basa nyang katawan na tanging black swimming trunk lang ang suot.

"Packing tape! Paano ko maiiwasan ang ganyang klaseng nilalang?"

Kung hindi ko napigilan ang sarili ko, malamang isa ako sa mga babaeng lumapit sa kanya na pilit syang inaabutan ng tuwalya at nagpapa cute sa kanya.

Wala syang pinapansin sa mga kababaihang iyon, deretso lang syang nakatingin sakin ng matiim.

"Syete talaga!"

Nag-iwas ako ng tingin at nagmasid sa paligid.

Nahagip ng tingin ko si Margaret na nakasimangot dahil naunahan sa paglapit kay Sky.

Limang segundo lang yatang lumibot ang paningin ko at muling bumalik sa kanya.

Muling nagkasalubong ang mga mata namin.

Di ko na naiwasan ang mapalunok lalo na ng pasadahan ko ng tingin ang malapad nyang dibdib at yummy nyang abs.

"Anak ng tokneneng umiwas ka sa tukso Yna!"

Nag-iwas ako ulit.

"Namumula ka Miss." Sabi ni Calix na papalapit mula sa kaliwa ko at may hawak na isang baso ng wine.

Tinaasan ko sya ng isang kilay.

"Ano bang nangyari? kanina lang ang sweet nyo sa dance floor ngayon naman todo iwas tingin ka sa kanya?"

"Tsismoso ka talagang lalaki ka." Sabi ko.

Tumawa sya.

"Babe hindi ako tsismiso. Curious lang ako sa inyong dalawa ng kliyente natin. Aba pagmagkalapit kayong dalawa parang may kuryente sa paligid, at pag nagtatama ang mga mata nyo parang Gela at Dylan ang eksena."

"Ewan ko sayo kulang ka lang sa kain kung ano-ano ang pinagsasabi."

"Ayaw mo lang umamin Yna na may something sa inyo ni Aragon." Sige parin sya ng asar.

"Ugh are you gay? Tumahimik ka na nga lang dyan." Inis na sabi ko.

Nagulat ako sa biglang paghapit nya sa akin.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon