18

28.2K 819 50
                                    

Kanina ko pa iniiwasan ang mga tingin ni Sky Aragon sakin.

Wala akong pakialam kahit na magalit sya o kahit na tanggalin nya pa ako sa trabaho.

Nakakagalit sya. Nakakainis.

"Bakit ka nagagalit kasi ibang pangalan ang binanggit nya nung halikan ka nya ganon ba?"

Siguro nga dahil duon kaya nagagalit ako.

Bakit ikaw ba paghinalikan ka, at ibang pangalan ang tinawag nya di ka ba magagalit? Buti nga di ko sya sinuntok. Nilayasan ko lang.

*****
Flashback

"You...are...mine... Alaina. Noon at ngayon akin ka."

Parang sinabugan ako ng bomba sa narinig ko, tinulak ko sya ngunit hindi sya tuluyang bumitaw sakin.

"I'm not Alaina Sir, I'm Yna your bodyguard." matigas ang tinig na sabi ko.

"You're my Butterfly, my Jinx Butterfly, Yna." ulit nya na parang hindi nakikinig sa sinasabi ko.

Sa sumunod na tulak ko ay nagawa ko nang makalayo sa kanya.

Pumunta ako sa kabilang bahagi ng sofa.

"Sir bodyguard nyo ako, tagapagtanggol nyo, at wala kayong karapatan na halikan ako, na para bang may say kayong gawin iyon."

At manghahalik ka na lang ibang pangalan pa ang tatawagin mo, nakakapang- init ng ulo.

Ngumiti sya iyong ngiti na nagpapanginig ng laman ng kahit na sinong makakakita. At isa na ako ruon.

"Shit bakit kasi ang gwapo nya ang hirap tuloy magalit ng husto!"

"You are mine, hindi ka naman siguro bingi para hindi madinig iyon." humakbang sya papalapit.

"Wait. Just wait Sir. Wag muna kayong lumapit, parang awa nyo na. Hindi ako makapag-isip kapag nasa malapit ka eh. Naman! Paanong magiging sa iyo ako eh hindi naman kita boyfriend, bakit hindi nyo na lang hanapin iyong Alaina na iyon at sya ang halikan at ariin nyo."

Syete bakit tunog nagseselos ako?

"You're Alaina." he simply said.

Wala baliw to kegwapo-gwapong tao may sira sa ulo.

"Hindi nga po ako si Alaina Sir, Yna ang pangalan ko three letter lang, malayo sa Alaina na anim na letra."

Sumeryoso ang mukha nya.

"You are Alaina at kaya kong patunayan iyon." Isa pang hakbang ang ginawa nya.

"Hindi nga ako si Alaina!" pasigaw na sabi ko.

Napahinto sya sa paglapit.

"Yna Montess ang pangalan ko. Sir. Huwag nyong ipilit dahil nakakainis." bumuntung hininga ako. "Sa labas lang muna ako Sir." Pormal ang mukha na sabi ko.

"Pwede kang umiwas ngayon, pero hindi ka pwedeng lumayo. Hindi na pwede Butterfly. Hindi na pwede. Three years is enough. So long enough."

Nahinto ako sa aktong paglabas.

Bakit ganon? Bakit ang lakas ng impact ng mga sinabi nyang iyon sakin?

"Makakaalis kana."

Hindi ako umimik itinuloy ko na lang ang paglabas ko.

"And Yna."

Nahinto na naman ako.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon