8

19.8K 705 20
                                    

Kinalunesan mas lalo akong nailang kay Sky. Hindi ko sya pinapansin iniiwasan ko rin na magtama ang mga mata namin.

Nahihiya ako sa kanya dahil nakita nya kung gaano kami kahirap, napaiyak pa ako sa harap nya.

Kaya naman pagkatapos ng subject na magkaklase kami mabilis akong lumabas para maiwasan sya.

Lunch Break.

Nakayuko akong naglalakad sa ground papuntang cafeteria ng harangin ako ng limang babae.

"Look Guys andito si Jinx!" sabi ni babae. Makapal ang make-up niya at may kulay ang buhok.

Tinulak nya ako na kinagulat ko.

Napaupo ako.

"Balita ko inaaakit mo si Sky. Napaka-ambisyosa mo naman ako nga di sya mahawakan ikaw nakarga at nalibre pa ng lunch." dinuro nya ako.

"M-miss hindi ko-."

Hinablot nya ang bag ko, mabuti na lang mahigpit ang hawak ko duon.

But then ang nahawakan niya ay ang butterfly key chain ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng maputol iyon at matanggal sa pagkakabit sa zipper ng bag ko.

"H-huwag iyan ibalik mo yan."

Tumayo ako at inagaw ang key chain sa kanya ngunit hinagis nya lang ito sa kasama nito.

Sumunod ako para agawin at tulad ng nanyari kanina ipinasa ulit iyon.

Pinaglalaruan nila ako alam ko. At marami narin ang nanonood sa amin ang ilan tumatawa at nang-aasar.

Wala akong pakialam duon ang nasa isip ko lang makuha ko ang key chain, ang key chain na bigay ni Papa , ang key chain na gawa nya.

Itinulak ulit ako ng babaeng makapal ang make-up.

Halos mapahiga ako sa tulak nya bahagya pang nagasgas ang kanang siko na malamang nagsugat kung hindi ako nakasuot ng long sleeve na damit.

"Gusto mo itong makuha." itinaas nya ang key chain. " Eh di kunin mo dito."

Itinapon nya ang key chain sa basurahan. "C'mon get it."

Walang pandadalawang isip na pumunta ako sa trash can at kinalkal iyon.

Wala akong pakialam kahit mabaho mamasa-masa at malagkit ang mga nahahawakan ko dahil sa trash can na may label na biodegradable itininapon ang key chain.

Nagsimula nang tumulo ang luha sa mga mata ko, lalo na ng di ko makita ang key chain.

"Papa...papa ko."

Kulang na lang ibuhos ko ang basurahan.

"Alaina!"

Bahagya akong natigilan ng marinig ko ang boses ni Sky.

Hindi ako lumingon pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

Bakit ba sa tuwing may nakakahiyang nangyayari sakin lagi syang dumadating.

Ayaw kong makita nya akong ganito. Ayaw ko na kawaan na naman nya ako.

Hinawakan nya ako sa braso para itayo mula sa pagkakaluhod ko sa harap ng trash can.

Tinabig ko lang ang kamay nya.

"Shit!" narinig kong mura nya.

At sa labis na pagkagulat ko at ng lahat sinipa nya ang trash can na kinakalkal ko.

Tumapon ang laman nuon at tulad ko hinalungkat nya rin ang mga basura.

"Omg i can't believe what i am seeing!" gulat na gulat na sabi ng babaeng nambully sakin.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon