20

27K 787 41
                                    

"Sky a-attend ka ba sa party mamaya?" maarteng tanong ni Margaret kay Sky.

Mula sa pagpirma ng mga papeles nagtaas ng tingin ang binata.

As usual nagtama ang mga mata namin dahil ako ang una nyang tinignan bago si Margaret.
Pasimple akong nag-iwas ng tingin.

"Yeah." sagot nya na ang mga titig ay nasa akin pa din.

"Really, sabay na tayo Sky."

Landi talaga di man lang naghintay na yayain, sya pa talaga ang nagsabi.

"Okay." maikling sagot ni Sky.

Hindi ko alam pero bahagya akong nakaramdam ng inis.

"Okay hintayin ko na lang ang pagsundo mo."

"Bakit di na lang ikaw ang sumundo ikaw naman ang parang lalaki na nag-aaya ng date."

"Bye Sky." at sya pa talaga ang humalik sa pisngi ng binata.

"Kaw na malandi teh."

Nagsimula nang maglakad palabas si Margaret, madadaanan nya ako, nang tumapat sya sakin huminto sya at taas kilay ako tinignan.

"Kailangan mong i-ready ang pinakamahal mong evening gown for tonight, Ms. Bodyguard. Iyon ay kung meron ka." sabi nya na may plastik na ngiti.

Ngumiti ako na mas mukhang ngisi.

"Sure ilan ba? Marami ako gusto nyong humiram Ma'am?"
Saka ko sya nginisihan.

"Hmmp." pinigil ko ang tawa ko ng nakairap sya sakin na lumabas.

"Landi." iyong pinipigilan kong tawa, nawala ng sa pagbaling ko ng tingin ay nakatingin parin sa akin si Sky.

Pumormal ang mukha ko saka ako nag-iwas ulit ng tingin.

Sa buong durasyon na nasa loob kami ng opisina nya, wala
akong ginawa kundi iwasan ang tingin nya, buti na lang hindi nya ako kinakausap.

Ito kasing loko-lokong Calix na ito inagawan ako ng pwesto. Ako dapat ang sa labas na magbabantay pero inagaw sa akin, idagdag pa ang mga sinabi kanina ni Sky na...

"Sa loob ka ng opisina Yna, I don't want you out of my sight."

Kaya heto ako naiilang.

"What do you want to eat?"

Mula sa pagmamasid sa may bintana, nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Sir?"

"What do you want to eat Butterfly?" ulit nya.

"Sa canteen na lang po ako Sir." sabi ko.

"What do you want to eat." ulit nya na may diin na ang tono.

Tss ganyan sya, gagamitan nya ako ng ganyang tono kapag di ako sumunod kaagad sa kanya.

At kapag ganyan ang tono nya may dalawang pangungusap nya ang laging pumapasok sa isip ko.

"But you know what, i felt something weird kapag nagmamatigas ka. Na t-turn on ako Butterfly."

"Na t-turn on ako Butterfly."

At kapag naalala ko iyon wala napapasunod na lang ako sa kanya.

"Kahit ano na lang po Sir." sabi ko na lang.

Kumunot ang noo nya pero di sya nagsalita.

Nagdial sya sa telepono at inutusan ang secretary nya na magdala ng pagkain.

Pagkuway pumunta sya sa maliit na pantry ng opisina.

Pinagmasdan ko syang maglabas ng mga pinggan at iaayos iyon sa ibabaw ng mesa.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon