13

29.7K 869 66
                                    

After 3 years.

Yna P.O.V

"Ano Yna game ka na ba?" napatingin ako kay Leigh na ngiting-ngiti habang nakatingin sakin.

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito kahit yata saan mo ilagay, kahit yata ano ang ipagawa mo at kahit ano ang iharap hindi sya natatakot.

Tulad ngayon we're more or less hundred feets from the ground.
Nasa pinto kami ng eroplano at naghahandang tumalon.

Yes mags-sky diving po kami.

At ang babaeng ito na nasa harap ko imbes na matakot eh ang luwang-luwa pa ng ngisi sakin.

Napailing ako.
Bakit ba ako napasama-sama sa babaeng to, ngayon heto ako halos maihi sa niyerbyos, hindi ko naman ito first time pero hindi ko parin maiwasan na matakot.

"Eh kasi po na b-bored ka, kaya nga sumama ka di ba?"

"Ano na Yna tatalon ka pa ba?" untag sakin ni Leigh.

"Wait teka nagmamadali may lakad ka." pinandilatan ko sya. Twenty years old pa lang yan at ako ay twenty five na pero di man lang ako ginagalang.

Tumawa sya.

"Ako wala pero ikaw meron pinapatawag ka ni A. May bago project ka daw."

Bigla akong napatayo ng tuwid.
Project? Ibig sabihin may bagong misyon ako.

"Leigh bat di mo sinabi sakin kaagad!" inis na sabi ko.

"Eh baka umatras ka eh miss ko na mag sky diving at gusto kong may kasama." sabi nya.

Napailing ako. Nakakabatang kapatid ang turing ko sa kanya at dahil wala naman akong ibang pamilya talaga kaya kapag may gusto sya pinagbibigyan ko.

"Naku ikaw na babae ka makukurot kita alam mo nang gustong-gusto ko nang magkaroon ng project binitin mo pa." halos dalawang buwan akong tengga dahil sa injury na natamo ko sa katatapos ko lang na misyon. Matagal akong nakaburo kaya inip na inip ako.

Tinawanan lang ako ni Leigh.

"Tara na nga babatukan kita dyan eh."

Mayamaya pa nasa ere na ako sumisigaw at patumbling-tumbling.

This is my life. My world. Full of action and adventure.

Isa akong secret agent sa D&A isang troubleshootings agency na tumutulong sa mga pulis, NBI na makahuli ng kriminal. Tumatanggap din kami ng mga private misyon sa mga taong may nais ipahuli, paimbestigahan o kilalanin as long as na hindi masama ang intensyon tinatanggap namin.

Pagdating sa baba malakas parin ang tibok ng puso ko sa tindi ng excitement at takot na naramdaman ko habang nasa ere ako.

Tinanggal ko ang parachute na nasa likod ko at naglakad papunta kay Leigh.

"Ugh sabi na ngang okay lang ako!"

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko syang nakikipagtalo at may kinakausap gayong wala naman syang kasama.

"Hoy sinong kausap mo dyan?"

"Isang guwapo at masungit na multo na sobrang pakialamero."

"What?" Di ko gaanong naintindihan ang sinabi nya bumulong eh.

"Wala kausap ko sarili ko."

Tinaasan ko sya ng kilay. Abnormal talaga itong bata ito.

"Tara na Yna baka mainip si Gela sa iba nya ibigay ang project na dapat ay sayo."

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon