6

20.5K 729 62
                                    

Kinabukasan napasukan ko si Sky sa harapan at may ina-announce.

Huminto ako sa pagpasok mula sa harapang pinto at yuko ang ulo na sa likod na pinto dumaan para di ko sya maistorbo.

Nakayuko parin na naupo ako.

"I hope to see you all  in my birthday this Sunday." narinig kong sabi nya.

Sinagot naman sya ng mga ito.

Sandali ko syang sinulyapan saka mabilis na nagyuko ulit ng ulo ng magkasalubong ang mga mata namin.

Birthday nya sa sunday.

After that pumasok ang professor nila kaya nagsitahimik ang lahat, bago naman naupo inimbitahan ni Sky ang professor nila, na umoo naman dito.

Umiwas ako ng tingin sa kanya  ng maupo na sya sa tabi ko.

Hindi nya rin naman ako kinausap kaya di ko sya nilingon.
Kahit na lumabas ang professor namin na nag-iwan lang ng papasulatan di ko sya sinulyapan.

Kaya naman nagulat ako ng magsalita sya.

"May ballpen ka pa ba?"

"H-huh?" nilingon ko sya,  sinalubong naman ako ng seryoso nyang mukha.

"Can i borrow a ballpen?"ulit nya na may masuyo ng ngiti.

Bago pa ako mabato balani sa kanya kinuha ko na lang ang isa ko pang ballpen at walang imik na inabot dito.

Inabot nya iyon. Ang kaso hindi lang pati ballpen kundi pati ang kamay ko, sinakop ng kamay nya.

"B-bitawan mo ako." angil ko sa mahinang tinig. Iyong init nya nararamdaman ko na naman.

Imbes na bitawan nya ako hinila nya ako papalapit hanggang sa maabot nya ang tenga ko at duon bumulong.

"And you baby...ini-expect ko na darating ka sa birthday ko." i shivered, ramdam ko ang pagdampi ng labi nya sa tenga ko.

Inilayo ko ang ulo ko. "A-ano bang sinasabi mo? Di ba sabi ko huwag na ako ang paglaruan mo."

Ngumiti sya at pinagmasdan ako, iyong tingin na para bang may hinahanap sa mukha ko.

"You know sweetheart, hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideyang pinaglalaruan kita." lumapit sya ulit at sa puntong iyon halos magkabungguan na ang ilong namin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Sa lapit ng mukha nya parang hahalikan nya ko.

"Gusto mong malaman ang tunay na dahilan kung bakit lumalapit ako sayo? Ha honey?"He asked huskily. Ang mga mata nya palipat-lipat sa mata at mga labi ko.

Sasagot sana ako pero muli syang nagsalita, ngunit sa pagkakataong iyon hindi na pabulong, nagsalita sya sa paraan ng tulad ng pag-aanounce ng birthday nya kanina.

"Starting today, I Sky Aragon is officially courting Alaina Mae Montecro. And starting today she is mine and only mine alone."

Hindi lang ako ang napanganga kundi pati ang mga classmates namin na nakarinig sa mga sinabi nya.

Lahat kami gulat na gulat  sa mga narinig at tanging si Sky Aragon lang ang nakangiti, habang nakatingin sakin.



******

"Hindi totoo ang mga nangyari kanina at kung totoo man sigurado akong parte ito ng laro nya." Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi habang nakahiga sa duyan at nakapikit ng mariin.

Sa sobrang gulat at pagkabigla  ko kanina napatakbo ako rito.

Ano ba kasing plano nya? Bakit nya sinabi iyon?

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon