22

26.6K 793 33
                                    

"Get me a coffee." Mula sa pagmamasid ko sa may bintana napatingin ako kay Sky na nagsalita habang nagbabasa ng papeles.

Walang imik na sumunod ako sa kanya.

Pumunta ako ng pantry.

"Kape ang pinapatimpla pero sing-lamig naman ng yelo kung mag-utos." Sabi ko habang naglalagay ng kape sa tasa.

True to his word. Bodyguard na bodyguard na ang trato nya sakin.
Mas malamig nga lang kesa sa iba.

Mas madalas nya rin akong utusan kahit hindi ko naman trabaho ang pinapagawa nya.

Sumusunod na lang ako para walang gulo.

Bumalik ako bitbit ang kape nya. Ni hindi sya nag-angat ng tingin ng ilapag ko iyon.

I sighed secretly.

"O anong problema mo di ba iyan ang gusto mo?"

"Sinabi ko bang may problema ako, tss shut up mind!"

"Montes are you listening to me?"

"Ha?" Nagulat ako sa pagsigaw nya. Hindi ko napansin na nagsasalita na pala sya.

"Sorry. Ano nga ulit iyon Sir?"

He frowned.

Naku nagalit na yata.

"Miss Montess. Binabayaran kita para bantayan ako. Hindi para tumulala at mag-isip ng walang kwentang bagay."

"Sorry po Sir." I said kahit na nga ang gusto kong sabihin ay... "Ikaw ang iniisip ko Sir."

Tinignan nya lang ako. Bago sya tumayo.
"Bring my things may lunch date ako." He said habang humahakbang papuntang pinto.

Lunch date. Date na naman. Sa loob ng dalawang araw na pagiging malamig nya sakin halos may ka date sya. Breakfast, lunch and dinner iba-iba.

"Kaya siguro iniwan sya nung Alaina, playboy kasi." Bulong ko na sumunod sa kanya bitbit ang gamit nya.

***

Kumukulo ang dugo ko.

Hindi ko dapat maramdaman ito pero talagang kumukulo ang dugo ko.

"Akala ko ba wala lang sayo? Pero bakit nag-iinit ang ulo mo ngayon ha, Yna?"

Ayan pa ang idagdag mo pa ang nakakainis na maliit na boses na yan sa isip ko na panay ang gatong sa nararamdaman ko.

"Baka naman mabali iyang kutsara."

"Ha?" Mula sa table nila Sky at ng ka date nya napatingin ako kay Calix na kasama kong nakaupo sa isang table kung saan di kalayuan sa magka date.

"Kako kulang na lang mabali na yang kutsarang hawak-hawak mo. Kung nagseselos ka dapat kasi dun na tayo umupo sa mesa nila."

"Pinagsasabi mo?" maang ko sabay subo ng kinakain kong halo-halo.

"Ang talim kasi ng tingin mo sa kanila at kulang nalang sugudin mo iyong babae sa tuwing hahawak-hawakan nya si Aragon."

"Gutom lang yan." Sabi ko. Napatingin ulit ako sa table nila Sky. Sa pagkakataong iyon nakaakbay na sya dun sa babae at may binubulong. Iyong babae parang kinikiliti naman kung makahagikhik.

"Flirt."

Nagtaas ng tingin si Sky.

Hindi ko iniwas ang tingin ko.

"Babaero." Sigaw ng isip ko, at hindi ko sigurado kung ganong mensahe din ba ang pinaparating ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Sya naman malalim na titig ang binibigay sakin. Wala akong mabasa sa mga mata nya.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon