26

27.8K 810 97
                                    

"You are so fucking stupid Yna!"

Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang minura ang sarili ko.

Lalo na kapag paulit-ulit kong naaalala ang nangyari sa bar.

"Umamin ka, umamin ka talaga na ikaw si Alaina, you are really stupid ang sarap mong ibaon ng buhay." Itinakip ko ang unan sa mukha ko at sumigaw ng pagkalakas-lakas.

Pagkatapos kong umamin sa harap ni Sky, Margaret at Priscilla dito ako tumakbo sa mansion ng binata...yeah I'am really stupid tatakbo rin lang naman ako dito pa diba, sa teritoryo nya.

And its freaking seven in the morning hindi man lang ako nakatulog , tulala lang ako. Dapat din maghanda na ako at lumabas dahil ano mang oras mula ngayon papasok na si Sky.

Hinagis ko ang unan at paungol na bumangon.

Kailangan ko syang harapin, kahit hindi ko alam kung paano?
Naligo ako at nagbihis.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko.

I stopped on my track nang makita ko si Sky na nakatayo sa harap ng pinto ko, nakasandal sa dingding at nakacross-arm.

Tumama kaagad ang mga mata nya sa mga mata ko.

Saka bumaba ang tingin sa kwintas na may palawit na singsing na suot ko.

"Hindi ka pa ba papasok Sir?" Taas kilay na tanong ko.

"Focus Yna, bodyguard ka ngayon iisang tabi mo na muna iyang issue nyo."

Imbes na sumagot, lumapit sya sa akin, malapit na malapit at sa labis na gulat ko, mariin akong hinalikan sa mga labi.

Hindi pa man ako nakakapagdesisyon kung itutulak ko sya, mabilis na syang nakalayo.

"Papasok, lumabas ka na eh. Good morning Butterfly." Saka ako hinila pababa.

Ang bilis nyang kumilos, hindi ako makapagreact.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harap ng hapag kainan.

"Good morning Alaina." Bati ni Senyora Carmela sa akin.

Umawang ang labi ko, gusto ko sanang sabihin na wag nya akong tawaging Alaina,pero pinili ko na lang na ngumiti at bumati rin dito.

"Magandang Araw din po Senyora."

"Good morning Yna." Bati din sakin ni Calix na wala man lang na pagtatanong sa mukha kung bakit ibang pangalan ang tawag sa akin.

Lumapit sya sa akin para halikan ako sa noo.

"Back-off David." Mapanganib na sabi ni Sky habang nakatingin ng matalim kay Calix.

"Chill Man, binibiro lang kita."natatawang sabi ni Calix habang naupo.

What the hell? Bakit parang may kakaiba sa dalawang ito.

Naupo sa tabi ko si Sky. At sa gulat ko at labis na pagkapahiya, kinabig mya ako sa batok at sya ang humalik sa aking noo.

"Walang sino man ang pwedeng humalik kay Alaina kundi ako lang, walang sino man David. Iparating mo iyan sa iba nyo pang kasama. Walang hahalik kahit sa noo." He said with so much possessiveness in his voice.
Nakahawak parin sya sa batok ko.

"What the, ano bang pinagsasabi nya."

Si Calix ngumiti at sinabing...

"Makakarating."

Ngumiti si Sky at binitawan ako.

"Good." Then tinignan nya ako.

"Eat up Butterfly."

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon