12

25.8K 873 67
                                    

Shattered World, Broken Heart

I prayed that this happiness is not a dream...
Prayed that you're true and sincered.

You made my world colorful...
Made me joyful.

But then you broked my heart...
Shattered my world and tear me apart.

Pain, i'm in pained.
I can't breath
I can't move a bit.

I want to cry,,,
I want to die...

So i close my eyes and said good bye...

Thank you for the love...and in everything 
that is all lie...

                           ---Helliza




*****

Hindi mapuknat-puknat ang ngiti sa mga labi ko habang nagsasampay ako ng mga nilabhan kong damit.

Ang mga nakalipas na araw is the most happy days of my life.

Simula ng araw na nagkasakit ako umakto na talaga si Sky na boyfriend ko.

Mas naging sweet...mas naging maalaga. Kahit na minsan nga nahihiya ako dahil kahit maraming tao umaakto sya na ganon, wala syang pakialam kahit nagbubulungan at pinag-uusapan kami.

At ako kahit natatarayan at sinisingahalan pa din nila Priscilla at Margaret hindi na ako naiiyak, para nga akong tanga na nakangiti pa.

Pati ang Mama ni Sky mabait din ang pakikitungo sakin, nangako pa sya na maghahanap ng sponsor para maoperahan si Mama.

Lalo tuloy lumuwang ang ngiti ko sa naisip kong iyon. Si Mama ko makakakita.

"Alaina." napatigil ako sa aktong pagsisipit ng kumot nang lingunin ko si Mama.

"O Ma, ba't kayo lumabas, baka madapa po kayo." iniwan ko ang ginagawa ko, at mabilis na lumapit sa kanya para alalayan sya.

Iginiya ko sya paupo sa bangkong gawa ni papa.

"Mukhang masaya ang aking Anghel ngayon ah, dahil ba sa kanyang Prinsipe?"

Kahit alam kong hindi ako nakikita ni Mama itinago ko sa kanya ang mukha kong biglang namula.

"Si Mama talaga nanunukso pa."

Natawa si Mama at iginiya nya ang ulo ko pahilig sa balikat nya.

"Natutuwa ako na masaya ka na ngayon. Kung sakaling mawala ako hindi ako mababahala na maiiwan kang mag-isa at malungkot, may Sky na kasi na mag-aalaga at magmamahal sayo."

"Ma ano ba iyang sinasabi mo? Huwag ho kayo ganyan mag-isip. Hindi pa kayo mawawala." niyakap ko sya ng mahigpit.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko.

"Kapag nawala kayo, malulungkot po ako, baka di ko na po kayanin ang lahat, kaya wag po kayong mawawala." mahina kong sabi.

Si Mama deretso na nakatingin sa kawalan bakas ang lungkot sa mukha.

"Huwag kang mag-alala hindi pa aalis si Mama, aalagaan ko pa ang mga apo ko diba?"

Namula na naman ang pisngi ko. "Si Mama talaga."

Tumawa si Mama, nakitawa na rin ako.

"Pero Mama sa tingin mo tuloy-tuloy na ito. Sa tingin mo sa wakas magiging maayos at masaya na ang lahat?" bakas na bakas ang alinlangan at takot sa boses ko.

Sa mga nararanasan ko ngayon, pakiramdam ko napakabilis ng lahat, parang kelan lang malungkot ako nag-iisa at ang tanging karamay lang ay ang Mama ko at si Ate Cheska.
Pero ngayon may isang Sky na, na nagbibigay ng bagong kulay at saya sa mundo ko.

His Jinx Butterfly  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon