chapter 36 [tag/fil]

335 13 4
                                    

A WEEK after the victory party where everyone found out about my gender. I'm not used to being talked about by many, actually, I used to handle just brushing off issues about me and Leo because he was still on my side at that time and he didn't care about rumors about us, but now it's different.

Sa kanya na mismo nanggaling that night ang lahat-lahat. Pakiramdam ko kinahihiya niya ako at ayaw niya na rin akong makita pa. There's no point na rin para umamin pa kasi binulgar naman na ni Grace ang tungkol sa feelings ko sa kanya. He clarified he's straight, may girlfriend siya at kaibigan lang ang turing niya sa'kin.

I decided not come to school and take face-to-face classes. Nagpalipat na lang ako sa online class na available sa course ko. Siguro dahil ayaw ko na rin makita pa o makatabi sa classroom si Leo. Ano pa ngang point 'di ba?

Kung ayaw niya sa'kin, ayaw ko rin sa kanya!

Oo, wala na akong friends. Wala na, as in. Okay na rin naman akong mag-isa. I'm with my pets anyway.

Hay, ang daming bagong chismis din na lumalabas sa page ng Libertad Freedom Wall and kakakita ko lang kanina sa tweet tungkol sa relationship nina Laura at Grace, they announced it's been six months that they were secretly dating each other.

See? Everyone I trusted betrayed me.

Malinaw naman na kay Laura nalaman ni Grace ang lahat dahil girlfriend niya pala 'yong bruhang tomboy na 'yon! Lahat ng tungkol sa'kin at kay Leo ay nalalaman niya kaya naman pala gano'n na lang makaasta si Grace. Plano lang talaga nila na gawing miserable ang buhay ko?

Putang inang trip nilang 'yan sa buhay!

Nagpatuloy ako sa pag-scroll sa screen ng phone hanggang sa makita ko ang bagong tweet na naman ng LFW. Nakita ko ang picture ni Colleen at Leo kaya kaagad kong binasa ang caption:

"#CONFIRMED: Leo at Colleen, break na!"

Binasa ko ang comments at marami ring nagsabi na totoo nga raw. Inaalam pa raw kasalukuyan ng mga admin ang kumpletong istorya, ang dahilan o kung bakit nag-break ang dalawa. May mga nag-uunahan pa at nagtatanong kung saan daw ang tamang pila. Pipila raw sila nang maayos kay Leo.

Umalis na ako sa X matapos mabasa ang balita. Wala na akong pakialam sa mga nangyayari pa sa paligid ko, nakapapagod na. I opened Spotify na lang at nagpatugtog ng music. And then here I was, belting Conan Gray's "Never Ending Song" while being dramatic and exaggerated.

Bigla akong nakarinig ng ingay doon sa harapan namin so natigil ako sa maagang concert ko, parang may makina kasing tumutunog. Naalala ko kahapon nga pala natapos 'yong pool namin na pinapagawa ni Papa mga dalawang linggo na rin ang nakararaan.

Naglakad ako at nang makarating do'n ay tinanong ko 'yong isang manggagawa, "Kuya, tinutubigan n'yo na po?"

"Ay opo, sir. Nagliligpit na rin ng gamit 'yong ibang kasamahan namin at pauwi na kami pagkatapos dito," sagot ni kuyang mukhang nasa kwarenta na rin siguro ang edad base sa tantiya ko.

"Kumain na po ba kayo? Mag-umagahan po muna kaya kayo?" Tiningnan ko 'yong pool, mukhang mapupuno na. It's either pangalawa or pangatlo na siguro nila 'tong nilalagyan ng tubig dahil mukhang binubuhay pa nila ulit 'yong isang motor na panglagay ng tubig sa pool.

Tumanggi si kuya, "Hindi na po sir, bayad naman ng papa n'yo po lahat-lahat pati pangkain namin."

Nag-insist pa rin ako at pinilit silang pakainin. Nagluto ako ng mga pang-breakfast na meal tapos kumain kaming sabay-sabay doon sa tabi ng swimming pool. Nakipagkwentuhan muna ko sa kanila and then after that, wala na. Malungkot na ulit, umuwi na sila. Ako na lang mag-isa.

Nakatitig lang ako sa tubig ng swimming pool habang nakaupo pero napatayo ako nang marinig kong tumahol si Sarcy. Hindi ko pa pala sila napapakain.

Few minutes later, tapos na kumain sina Sarcy, Smeagol and Sirius. I decided to play with them sa garden, sobrang napagod ako sa pakikibaghabulan kay Sarcy sa paunahang makakuha ng bola na ako rin naman ang nag-ooperate no'ng pet ball launcher na binili ko pa sa Amazon.

Si Smeagol nakatabi lang at nakabantay sa maliit na kulungan ni Sirius. 'Di ko pa kasi pinapakawalan 'yong rabbit na 'yon, masyadong malikot at mahirap hanapin if ever kung saan-saan siya sumuksok.

Tiningnan ko sila ulit, okay pa naman si Smeagol mukhang hindi pa naman siya tinotopak, binabantayan niya pa rin si Smeagol. Good cat.

I-la-launch ko na sana ang tennis ball ni Sarcy pero bigla siyang tumahol, napatingin ako sa direksyong tinatahulan niya at pagtingin ko ay bukas na 'yong kulungan, shit, nakawala si Sirius!

"Hala, gagi!" sigaw ko at natatarantang bumalik sa pwesto nina ni Smeagol. Sinubukan kong hanapin si Sirius, sinuyod ang bawat direksyon, kaliwa at kanan pero wala ito.

Nagpatuloy ako sa paghahanap, hindi sumuko at nanatiling determinado. Tinutulungan ako nina Sarcy at Smeagol, kahit mukhang napipilitan.

Isang oras na yata ang nakalilipas pero hindi ko pa rin makita si Sirius.

"Sirius!" paulit-ulit kong sigaw sa pangalan niya.

Nawawalan na ako nang pag-asa pero hindi siya pwedeng mawala. Hindi pwede! Lahat nang pwede niyang suksukang mga halaman, paso, at kahit anong paligid sa bakuran ng bahay pati roon sa loob, wala pa rin talaga.

Nang manghina ang aking mga tuhod ay nasa labas na ako ng gate, pabulong na sinasambit ang pangalan ni Sirius at ang isa sa mga buhay na alaala ko kay Leo maliban sa jacket na bigay niya.

"Pati ba naman ikaw mawawala?" pahikbi kong sabi at sa hindi malamang dahilan ay ayaw nang tumigil sa pagbuhos ang luha sa aking mga mata.

"Sirius..." patuloy kong sabi, nakaluhod na lamang ako sa kalsada sa labas ng gate namin at patuloy sa pag-iyak.

And then for some reason, narinig ko si Sarcy na tumahol all of a sudden. Itinaas ko ang aking ulo upang makita kung ano ang dahilan nang pagtahol ng aso ko. Ang akala ko ay ako ang tinatahulan niya o may kung ano siyang nakita.

Hindi pala ano, kundi sino.

Nang luminaw ang mga mata ko dahil sa huling agos ng luhang bumagsak ay sa wakas, nakita ko rin si Sirius.

"You're looking for him?" Leo asked, hawak-hawak niya si Sirius sa kamay niya at hinihimas-himas ito.

Tumango ako, pinunasan ang bakas ng natirang luhang nasa mukha ko pa.

Hindi ko alam kung masaya ako dahil ba nakita ko si Sirius o si Leo after one week na para bang sampung taon ang katumbas.

He's carrying a big storage box in front of him while Sirius was sitting on top of it. They looked so cute and I felt so relieved.

straight as guitar strings!Where stories live. Discover now