chapter 42 [tag/fil]

235 7 0
                                    

NAPATINGIN din siya sa'kin. "No, what I'm trying to say is, kantahan mo ako. Like any song basta you'll sing it for me? Okay lang ba?"

He's doing it again! The irresistible look on his cutie little motherfucker face!

"Especially for you? Gano'n?" I asked, bahagyang kinilig sa nakatutunaw niyang titig.

"For my ears only, like that." He smiled at me, like he would be the luckiest guy on earth if I would do his request.

"Dami mong alam, Leo." I rolled my eyes but deep inside I couldn't actually explain or put into words what I was feeling right now.

Pinagdaop niya ang kanyang mga palad na para ba akong diyos o genie na kayang isakatuparan ang hiling niya. "Sige na, what if last day ko na today, ipagdadamot mo pa? 'Di mo pa 'ko pagbibigyan!"

"Huy, kung ano-ano sinasabi mo, siraulo ka!" Hinampas ko siya at kinurot sa braso.

"Aww, sige na kasi... please, baby?" Inalog-alog niya pa ako at patuloy na nangonsensya. Bwisit na 'yan, ang cute! Pagbibigyan naman din kasi siya, e. Hindi makapaghintay.

"Oo na, akin na 'yan..." Kinuha ko ang gitara sa kanya at malaya niyang inabot sa'kin iyon.

Noong tingnan ko siya after ko mag-isip ng kantang kakantahin ko, ang mukha niya'y mistulang bata sa birthday party na nakaabang sa magic show na gagawin ng clown.

Napangiti ako sa hitsura niya at habang tumatagal ay tila ba nagliliwanag siya sa paningin ko, sobrang linaw ng mga bakas at mga linyang bumubuo sa kanyang mukha—ang gwapo niya, sobra.

"It's you, it's always you~"

Hindi ko namalayang kusa na lamang nag-strum ang mga daliri ko sa kwerdas ng aking gitara.

"If I'm ever gonna fall in love, I know it's gonna be you~"

Napangiti ako nang kantahin ko ang part na 'yon, dahil malinaw sa puso ko, siya na talaga, e. Siya talaga.

"Met a lot of people, but nobody feels like you~"

Nagpatuloy ako sa pag-awit, hindi ko napansing hindi na ako tumitingin sa gitara ko kundi kay Leo na lang nakatuon ang mga mata ko.

"So please don't break my heart, don't tear me apart~"

Nakita ko ang bibig niya na bumuka pero pabulong niya lang binigkas ang katagang, 'I won't '.

"I know how it starts, trust me, I've been broken before~"

Bawat linya ay parang tumatagos sa puso niya, na gusto ko rin namang maramdaman niya.

"Don't break me again, I am delicate~"

Especially this part, that's really true. Sa tingin ko sobrang delicate ko when it comes to him. If he will break my heart, I would be devastated very bad.

My song just flowed smoothly, and I wasn't totally aware I had finished it already. I only realized when Leo started clapping his hands and suddenly broke our small distance, granting my thirsty lips a warm and wet kiss.

Damn, that kiss was beyond measure!

No'ng nag-uupload na ako at nag-ta-type ng caption, biglang kumurugkog ang tiyan ko.

Napansin kaagad iyon ni Leo, "You hungry, baby?"

"Yeah," I nodded, hindi ako makatingin sa kanya kasi kaunti na lang matatapos na ako.

"Gawa na tayo ng salad?" tanong niya muli sa'kin habang nakatingin pa rin ako sa screen ng phone ko.

"Sige po, baby." I hit the upload button and hinayaan ko nang ma-post 'yong unang ni-record naming song.

straight as guitar strings!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon