Chapter 13

3.6K 68 6
                                    

—Chapter 13—

[Kumusta ka riyan, apo?] tanong ni lolo sa kabilang linya.

“Ayos lang po, lolo. Kayo po diyan? Kumakain po ba kayo nang maayos?”

[Oo naman, apo. Ikaw ba ay kumakain pa ng masustansiya diyan?] si lola ang sumagot.

“Opo. Hindi po ako pinapabayaan ni Vermont, lola. Nagkita po kami ulit dito.”

Bigla naman akong nalungkot dahil ngayon ko na lang ulit narinig ang boses nilang dalawa. Nakitawag pa kasi ako sa mama ni Chi para makausap ko sila. Ayaw kasi nila ng cellphone dahil wala naman daw sila tatawagan noon kaya ako lang ang binilhan nila.

[Mabuti naman kung ganoon, apo. Sa susunod na sahod ng mama mo, bibili na kami ng cellphone at sim card para makatawag sa ‘yo lagi, apo. Miss ka na namin]

Hindi ko na mapigilang hindi mapaluha. Simula bata hanggang sa magdalaga ako ay silang dalawa na ang nag-alaga sa akin. Samantalang si mama ay nasa abroad at hindi ko pa alam kung kailan siya uuwi sa amin. Ang tatay ko naman ay tumakbo na sa kaniyang responsibilities.

“M–miss ko na rin po kayo, lolo at lola. Nami-miss ko na po ang luto niyong bulalo,” sabi ko, hindi pinapahalata ang pag-iyak.

[Hindi ka ba nakakapagluto riyan? Gusto mo bang dalhan kita?]

Marahan akong natawa. “‘Wag po kayong mag-alala sa day-off ko po, bibili ako.”

[Oo nga at alam ko naman na alam mo na ang recipe ko. Apo ko, ibababa na namin ang tawag, nakakaabala na kami kay Chida]

“Sige po, lola. Kaunting tiis na lang po at makakabili na kayo ng cellphone.”

[Mag-iingat ka diyan, apo. Oo nga, apo. Mahal ka namin ng lola mo.]

“K–kayo rin po. Love you both.”

Nang maibaba ko na ang tawag ay mas napahagulhol lang ako lalo. Na-homesick ako bigla. Araw-araw ba naman kasi akong inaalagaan ng lolo at lola ko. Miss na miss ko na sila. Tatlong linggo pa lang akong nandito pero ‘yong pagka-miss ko sa kanila, grabe na.

Narinig ko ang katok mula sa pinto. Marahan akong tumayo mula sa kama at nagtungo sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Vermont.

“Why are you crying?” he asked softly.

Nagpunas ako ng mga luha ko. “Na-miss ko lang sina lolo at lola. Pati ‘yong bulalo na niluluto ni lola. Na-homesick lang ako bigla,” paliwanag ko habang tumutulo na naman ang mga luha ko.

He reached my body and hugged me. “Do you want to go La Union?”

Marahan akong umiling. “Baka hindi na ako makabalik dito kasi gusto ko na lang mag-stay roon. Basta matapos ko lang muna OJT ko.”

Pagkatapos kong umiyak ay bumili na lang din kami ng regalo para kay Chef Madi. Hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko pero bumili na lang ako ng customized chopping board. May pangalan iyon ni Chef Madi. Hindi naman gano’n kamahalan kaya binili ko na.

Pupunta rin ang ilan sa mga trainees na kasama namin at doon na sa bahay nina Chef Madi magkikita-kita. Bukas ay sarado ang VM’S restaurant para bigyang araw ang birthday ni Chef Madi.

“Khione!” salubong kaagad ni Chi at ni Akira sa akin nang makarating kami ni Vermont sa bahay nila.

“Bakit magkasama kayo ni?” nang-aasar na bulong ni Chi bago tumingin kay Vermont na nasa likuran ko.

Chew on Something | ✓Место, где живут истории. Откройте их для себя