[46] Stupid Bravery

173K 6.7K 1.8K
                                    

"W-What?" ang tanging salitang lumabas mula sa mga labi ni Storm matapos marinig ang sinabi ni Jasmine. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkabigla sa natuklasan. Maging ako ay aminado rin na hindi ito inaasahan. Anong ibig niyang sabihin na siya ang superior nila? Ibigsabihin ba noon ay kalaban siya? Na friname up niya lang kami?

Kahit na narito na sa harapan ko ang sagot sa mga katunangan ko ay hindi ko pa rin magawang ipasok sa utak ko ang katotohanan. Paanong si Jasmine Hererra ay isang kalaban? For we all effin' know, Jack and Storm love her so dearly! Anong ibigsabihin nito?

"Kahit kailan talaga, hindi mo pa rin ginagamit ang utak mo, Storm. Anong klaseng pag-iisip ba ang meron ka at naisipan mong pumasok mag-isa rito?" matapang na tanong ni Jasmine.

Ibang iba ang itsura niya ngayon at halos hindi ko na siya makilala. Nawala na ang mala-anghel na imahe niya.

"What the hell is going on?" gulong-gulong tanong ni Storm sa kanya.

"Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam? Wow, I didn't know you were that stupid."

Naisara ko ang kamao ko matapos marinig ang sinabi ni Jasmine. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nakisabat na sa kanila. "And I didn't know you were that evil." Puno ng galit na saad ko.

Mabilis na nalipat ang atensyon niya sa akin. She crossed her arms at bahagyang lumapit sa akin pero mabilis na humarang si Storm sa daraanan niya upang hindi siya makalapit sa akin. Natawa naman siya ng napakasarkastik sa ginawa ni Storm.

"Dalawang pathetic. Wow, perfect match." Sarkastik na puri niya.

Mas lalo akong napuno sa sinabi niya. "Paano mo nagagawang sabihin iyan? Hindi mo ba naisip na kaya nagkaganyan si Storm ay dahil sa pag-aakalang napahamak ka? Hindi mo ba naisip na kaya naglakas loob pumasok si Storm dito mag-isa ay dahil nais ka niyang iligtas?!" tuluyan nang napataas ang boses ko.

Tama ako. Noong unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko nang may masamang halimaw ang nagtatago sa likod ng mala-anghel niyang mukha.

"Well, my dearest super heroes, you should've known, what you did is not f*cking heroic. It's f*cking suicide." Mabilis na sagot niya.

Inis na lang akong napakagat sa labi ko at hindi na magawa pang sagutin siya dahil tama siya. Isang suicide talaga ang ginawa namin ni Storm. At tapos ay ganito pa. Hindi namin inaasahan ito. Para kaming naambush attack.

"Why, Jasmine?"

Parehas naming inilipat ang tingin kay Storm nang bigla siyang magsalita. Napansin ko ang biglaang pagbabago ng expression ng mukha ni Jasmine. Iniwas niya ang mukha niya kay Storm.

"I have my reasons," matipid na sagot niya at saka dali-daling lumakad palayo sa amin. "Kung gusto niyo pang makalabas ng buhay rito ay wala kayong ibang dapat gawin kundi ang manahimik sa silid na ito." Saad niya habang patuloy sa pag-alis.


"Jasmine..." Saglit siyang natigilan dahil sa pagtawag ni Storm sa pangalan niya.

"Thank you," saad ni Storm. Dahan-dahan siyang lumingon sa amin matapos marinig iyon. "Thank you for being fine." Pagtutuloy ni Storm.

Halata sa reaksyon niya na hindi niya inaasahang marinig iyon kay Storm. If I were her I'm pretty sure she's expecting Storm to loathe her and curse her to death, but it turned out this way.

"Isa lang ang nasa isip ko habang tinataya ko ang buhay ko papasok rito. Iyon ay ang masiguradong okay ka. At ngayon na nakikita kong nakatayo ka sa harapan ko na walang galos at pasa, makakahinga na ako ng maluwag. Thank you."

Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa unti-unting natawa ng sarkastik si Jasmine nang makabawi na siya mula sa pagkabigla sa mga sinabi ni Storm. "You're indeed pathetic," tanging nasabi niya bago tuluyang lumabas ng silid.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon