Sinubukan kong umasta nang maayos matapos marinig ang mga sinabi ni Jack. Binaliwala ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko at saka umubo nang pilit. Awkward kong ibinalik ang tingin sa saranggolang mapayapa pa ring lumilipad.
“Ang dami mo pa palang hindi naeexperience.” Saad ko para hindi niya mapansin na bigla na lang akong hindi naging komportable sa pag-uusap naming dalawa.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya nang hindi siya sumagot. Pinagmasdan ko ang maputla niyang mukha habang nakatingala at pinapanuod ulit ang saranggola. Nakakatawang isipin na ang mga simpleng bagay pa tulad nito ang hindi pa niya nagagawa. Ano bang klaseng buhay ang meron siya para hindi maexperience ang mga ganitong kasimpleng bagay?
“Can I be honest with you?” Biglang tanong niya at inilipat ang tingin sa akin.
Kaagad ko namang iniwas ang mukha ko at ibinalik ang tingin sa saranggola.
“Ano ‘yon?” Naiilang na tanong ko.
“The popcorn’s taste was a bit awful.” Komento niya.
Hindi ako makapaniwalang napanganga at inis na ibinalik ang tingin sa kanya.
“A-anong sinabi mo?” Hindi makpaniwalang tanong ko.
“It was awful.” Sagot niya.
At talagang inulit pa niya. At ngayon, hindi na lang a bit awful kundi awful na talaga! May pasabi-sabi pa siyang favorite first time niya ‘yon tapos ngayon ay sasabihin niyang awful ang popcorn na ginawa ko para sa kanya?!
“Huwag na huwag ka nang magpapagawa sa akin ng popcorn!” Nanggagalaiting saad ko.
Kaagad naman siyang natawa dahil sa reaksyon ko. Tingnan mo ‘tong gangster na ‘to!
“Iniinis mo ba ko? Matapos mong laitin ang popcorn ko, pinagtatawanan mo pa ko ngayon?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
Pilit naman niyang pinigilan ang matawa. “Okay, I’m sorry.” Natatawang saad niya.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Sorry? Kailan pa siya natutong sabihin ang salitang ‘yon? At bakit parang hindi big deal sa kanya ang pagsabi non ngayon?
“Okay, listen. I just wanted you to imagine my agony. That even if your popcorn tastes awful, I am still willing to gladly eat it. And regardless of its taste, I will still love it. Why? Because you prepared it for me.” Seryosong saad niya.
Hindi ko napigilan ang matulala sa mukha niya matapos marinig iyon. Seryoso naman niya akong tiningnan sa mga mata at nanatili kaming magkatitigan. Nang makabawi ako mula sa sinabi niya ay saka ko lang naiwas ang tingin ko.
“Mabuti pa sigurong bumalik na tayo kela Mama.” Saad ko at saka ibinalik sa kamay niya ang sinulid na nakakonekta sa saranggola.
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya at hindi na nag-atubiling lingunin siya.
“Summer, wait.” Pigil niya pero hindi ako huminto.
Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang nakarating sa harapan ko at hinarangan ako sa pag-alis.
“What the fuck is wrong?” Tila naiinis na tanong niya.
“W-Wala.” Naguguluhang sagot ko. Wala naman hindi ba?
“Don’t walk away from me like that. Damnit!”
Tiningala ko ang mukha niya at nakitang frustrated siyang nakasabunot sa sarili niya.
“Tell me what is wrong. What did I do wrong?” Pilit niya.
“Sinabi ko na diba? Wala nga.” Ulit ko.

YOU ARE READING
BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROST
RomanceOdd name it is and one thing is for sure: Next to his name is nuisance. This story is now available in leading bookstores nationwide for only 175php. Please support me! Thank you! Cover illustrated by Aegyodaydreamer.