[4] Unending Fights

367K 10.3K 608
                                    

"Oh, tingnan mo nga naman kung sinong naligaw sa teretoryo natin. Taga-Tan Siu."

Napatingala ako at nakita ang mga lalaking nakaunipormeng itim habang nakapamulsa at nakapalibot sa amin. Tumatawa sila nang nakakainsulto habang nakatingin nang makahulugan sa gangster na kasama ko. 

"At may kasama pala siyang chicks," saad pa ng isa sa kanila. Isa-isang nagtaasan ang mga balahibo ko. Don't tell me, I'm in trouble nanaman? Tumingin ako sa gangster na katabi ko at tahimik lang siyang nakatingin sa boteng iniinom niya. Ghad, gangster, send them away!

"Mga bata, hindi niyo ba alam kung nasaan kayo? Teretoryo namin ito at bawal ang mga taga Tan Siu rito."

Napalunok ako. "Right. Bawal pala kami rito. Sorry we didn't know. Aalis na lang kami," kinakabahang sagot ko. Tumawa sila nang sabay-sabay. Mas lalong nagtaasan ang mga balahibo ko. Tiningnan ko ang katabi ko pero wala pa rin siyang imik.

"Aalis na agad? Bakit hindi ka muna mag-stay kasama namin?" tanong ng isa.

"What?! Excuse me?!" napataas ang boses ko. Mukha ba akong kabastos-bastos sa paningin nila?

"Mukhang palaban ah. Iyan 'yung mga tipo ko eh."

Napapikit ako ng mariin. My ghad. I need to get out of here. Isa talagang maling idea ang pagsama ko sa gangster na ito. He's not even doing anything para ipagtanggol ako dahil nababastos na ako. Nasaan na ang pagiging best actor niya sa pagiging super hero?

Naupo ang isa sa kanila sa lamesa namin. "Anong pangalan mo, Miss?" tanong ng lalaki. Napalunok ako at nanatiling walang imik habang nakayuko. .

Kinakabahan akong tumingin sa kanya when he leaned close to me. Teka, anong balak niyang gawin?! Itinaas niya ang kamay niya at hahawakan sana ang pisngi ko nang bigla na lang may isang bote ng beer ang tumama sa ulo niya at kaagad na nabasag. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa katabi kong cursing machine. Itinulak niya ang lamesa namin dahilan para mahulog ang lalaki na umupo sa ibabaw noon.

Tumayo siya at saka ibinulsa ang magkabila niyang kamay. "She's my property. You can't touch what's mine. F*ck off." saad niya.

Napalunok ako habang tinitingnan ang nanlilisik niyang mga mata na nakatingin sa mga lalaking nasa harapan namin.

"Aba! Ang tapang mo ah! Alam mo ba kung nasaan ka ha?!" galit na sigaw ng isang malaking lalaki sa kabilang grupo.

Napatingin ako sa paligid, nakatayo na rin ang ibang tao sa bar at masama ang tingin sa cursing machine na kasama ko. Nakaitim rin silang uniporme katulad nang sa mga lalaking nasa harapan namin. We need to get away from this trouble. Ano ba kasing naisip ng cursing machine na ito at dito pa niya naisipang uminom?!

Nagulat ako nang humarap siya sa akin and he gave me a smile. Tumingin siya ng seryoso sa mga mata ko bago nagsalita. "Leave," mahinahon at seryosong saad niya. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Why am I seeing kindness in his eyes now?

Nagulat na lang ako nang isa-isang sumugod ang mga lalaki sa kanya. Napatayo ako at napaatras. There's just so many of them. I wonder if he can handle this trouble on his own. Baka mabugbog uli siya just like what happened the first time I met him.

"Gangster, there's no way I'm going to bring you back to the hospital!" sigaw ko sa kanya at saka napapikit. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya at sunod-sunod na ingay lang ang narinig ko. Maiingay na sigawan, mga boteng nababasag, at mga bagay na nagbabagsakan.

Nagulat na lang ako nang may biglang humawak sa braso ko at hinila ako patayo.

"Hoy, Totoy! Nakikita mo ba 'to ha?!" sigaw ng lalaki at sabay tutok ng isang patalim sa akin. Nanlambot ang mga tuhod ko at napatingin kay cursing machine. Napatigil siya sa pagsuntok na ginagawa niya sa isang lalaki at napatingin sa akin. Bumaba ang tingin niya sa braso ko na hawak-hawak ng lalaki.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon