[24] Okay

286K 8.2K 2.1K
                                    

"Okay, Summer. Anong itsura ng kapatid mo?" tanong ni Storm habang hawak-hawak ako sa magkabilang balikat ko dahil marahil kung hindi niya gagawin iyon ay matutumba ako.

"H-He's-" Hindi ko magawang i-describe ang kapatid ko dahil hindi ko magawang makapag-isip ng tama gawa ng takot at pag-aalala na nararamdaman ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap ng maigi ang mukha ko sa kanya.

"Summer, you need to breathe. You need to calm down." Utos niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at saka mabilis na tumango sa kanya. Nanatili akong nakapikit habang pauli-ulit na humihinga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nang bahagyang kalmado na ako ay nagsimula ulit si Storm na tanungin ako.

"Now, tell me, anong itsura ng kapatid mo?" tanong niya.

Iminulat ko ang mga mata ko at saka muling inikot ang tingin sa buong Plaza pero hindi ko pa rin makita ang kapatid ko.

"He's... He's white. He has a fair white complexion. Yung buhok niya...Medyo mahaba. Lagpas pa sa tenga niya. Kamukha ko siya. He's.... God, he's innocent." Hysterical na saad ko habang patuloy na umaagos ang maiinit na luha sa magkabilang pisngi ko.

"Dito ka lang. Wag kang mag-alala, hahanapin ko siya." Wika niya at hindi na niya ko hinintay pang sumagot at tumakbo na siya kaagad palayo.

Frustrated akong napahawak sa ulo ko at muling inikot ang tingin sa paligid pero wala akong makitang miski anino manlang ng kapatid ko. Patuloy sa panginginig ang mga tuhod ko kasabay ng tila pag-ikot ng paningin ko dahil sa pagkahilo.

Kahit na hirap na hirap akong kontrolin ang sarili kong mga paa na lumakad ay hindi ko gugustuhing manatili lamang na nakatayo roon at hintayin si Storm para balitaan ako kung nakita na ba niya o hindi ang kapatid ko kung kaya't lumapit ako sa mga batang naglalaro di kalayuan sa akin at isa-isa silang tinignan kung sila ba ang kapatid ko.

Napahikbi na lang ako nang matignan ko na silang lahat at ni isa sa kanila ay hindi si Sam. God, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag may hindi magandang nangyari sa kapatid ko. Saglit akong napatigil sa pag-iyak nang makita si Storm na tumatakbo papalapit sa akin.

"W-What, Storm? Did you see him? Where is he? Is he okay?" sunod-sunod na tanong ko.

Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat ko at saka napayuko.

"I'm sorry, Summer, but I can't find him."

Napakagat ako sa labi ko at kaagad na napahikbi. Napatakip ako sa mukha ko at doon tuluyang napahagulgol. God, please. Ako na lang huwag na si Sam. He's too young for this. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko kapag may nangyareng masama sa kanya dahil sa kagagawan ko.

"It's better kung irereport natin 'to sa Police." Desperadang suhesyon ko.

"Summer..." tawag niya sa akin na tila sinasabi na rin niya sa aking hindi iyon magandang idea.

"No, we need to report this, Storm. I know he's really annoying and sometimes he acts like a gay but hey, I love that Sam boy so much." Umiiyak na saad ko.

"But it's not the good decision to make, Summer. Kapag ginawa mo iyon, you'll make things worse. Mas lalong mapapahamak ang kapatid mo."

"Then tell me what do I need to do?! I need to keep Sam safe, Storm. He's the only one I have! He...He resembles my father... Every time I see him, parang kasama ko na din si Papa. Hindi siya pwedeng mawal-"

Saglit akong natigilan nang marealize kung anong klaseng salita ang lumabas sa bibig ko. He resembles my father.... Every time I see him, parang kasama ko na din si Papa? Nakakatawa. Seriously, what's this?! What's the meaning of this?! Sa sinabi ko ay parang sinabi ko na rin kung ano ang pakiramdam nila kapag nakikita ako... Na parang sinabi ko na rin na kapag kasama nila ako ay parang kasama na din nila si Jasmine.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon