[41] Tangled

183K 6.5K 1.3K
                                    

“Kailangan natin siyang mahanap,” frustrated na saad ni Israel pagkalabas namin ng Principal’s Office.

“Paano? Alam niyo kung gaano siya kahirap mahanap. Hindi ko alam kung saan tayo dapat magsimula,” saad naman ni Andrew.

“Ano sa tingin mo Storm? May alam ka bang lugar na pwede niyang puntahan?” tanong ni Justine.

Tumingin ako kay Storm na hanggang ngayon ay wala pa ring imik matapos makita ang picture na iyon. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya at tiningnan sila isa-isa nang malamig.

“Bakit nga ba natin siya kailangan mahanap? Para ba malinis ang pangalan niya? Hindi niyo manlang ba naisip si Jasmine?” tila galit na tanong niya.

Nagulat ako nang biglang sumugod sa kanya si Israel at hinatak siya sa may kwelyo niya.

“Fuck it, Storm. Talaga bang pagdating kay Jasmine ay lagi kang magkakaganyan, huh? Of course we’re doing this ‘cause we also wanted to help her! We need to find Jack para malaman natin kung anong totoong nangyayare. Goddamnit!” sigaw niya at saka itinulak si Storm.

Sabay-sabay silang napahawak sa mga batok nila. Halatang halata na problemado sila. Maging ako ay hindi mapalagay. Gusto kong makita na rin agad si Jack dahil gusto kong ipamukha sa mga pulis na iyon na hindi siya ganoong tao. But the sad thing is, hindi namin alam kung saan magsisimula.

“Mabuti pa ay simulan natin sa apat na lugar na possibleng kinaroroonan niya.” suhesyon ni Samuel.

Napa-isip ako sa sinabi ni Samuel. “Apat na lugar?” wala sa sariling naitanong ko.              

“Hula ko lang iyon, Summer. Apat na lugar lang ang possibleng kinaroroonan niya ngayon. Una sa listahan ang condo niya. Pangalawa ay sa tunay na bahay niya. Pangatlo ay sa hideout,” sagot niya.

“At ang pang-apat?” tanong kong muli. God, Summer. Ngayon pa ba ang tamang panahon para sa kuryosidad mo? Ugh.

“Ang pang-apat?” sarkastik na tanong ni Israel. “Sa tapat ng bahay niyo.” Tila inis na sagot nito at saka nagsimulang umalis.

Saglit akong natulala sa sinabi niya. Sa tapat ng bahay namin? Impossible. Pero bakit deep inside of me, umaasa ako na totoo nga iyon? At teka, bakit tila galit siya? Nagtanong lang naman ako.

“Sa apat na iyon, unahin natin sa condo niya.” ika ni Justine.

Walang salitang dali-dali silang kumilos at umalis at sinundan si Israel na nauna nang lumakad. Susunod na sana ako sa kanila pero natigilan ako nang hablutin ni Storm ang kamay ko. Nagtataka ko siyang tiningnan at bakas pa rin sa itsura niya ang pagkabahala at pagkabalisa.

“Sa hideout tayo,” bulong niya.

Napakunot ang noo ko nang hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

“Kailangan nating maghiwa-hiwalay. Sa hideout tayo at sila naman ay sa condo ni Jack.”

“A-Ah, tama.” Pagsang-ayon ko. Mabuti at naisip niya pa iyon sa kabila nang estado niya.

Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na nagtungo sa hideout nila. Pagdating namin ni Storm sa lugar ay wala kaming ibang naabutan kundi tahimik na lugar at mga kalat. Hindi na ako magtataka kung hindi namin matatagpuan si Jack dito dahil sigurado akong sa sobrang arte ng lalaking iyon ay hindi niya masisikmurang magstay dito.

Tahimik na inilabas ni Storm ang cellphone niya at may numerong idinial. Ilang sandal lang at may kausap na siya sa kabilang linya.

“Wala siya sa hideout,” bungad niya sa kung sino man ang tinawagan niya. Well, I assume na isa iyon sa tropa nila.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon