[42] Two Broken Hearts

194K 7K 2.3K
                                    

“S-Summer,” nanghihinang tawag sa akin ni Storm.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at tinulungan siyang maupo.

“Storm, kailangan nating magpunta ng hospital. Napakarami ng dugo ang nawawala sa’yo.” Naiiyak na saad ko.

Dahan-dahan siyang umiling. Halata sa mukha niya na hirap na hirap na siya.

“Kailangan kong pumasok sa Avellino. Kailangan ako ni Jasmine.”

“Nababaliw ka na ba?! Hanggang ngayon ba ay siya pa rin ang iniisip mo sa kabila ng lagay mo? Mamamatay ka kung hindi kita dadalhin sa hospital!” sigaw ko.

Umiling siya at inalis ang kamay kong nakahawak sa balikat niya. “Mas ikamamatay ko kung may mangyayareng masama sa kanya,” seryosong sagot niya at saka tumayo.

Mabilis din naman akong tumayo para maalalayan siya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Gusto kong makatulong. Gusto ko siyang tulungan. Pero paano? Wala akong maisip na paraan. I’m still that pathetic useless one.

“Kailangan nating mahanap si Jack. Kailangan naming iligtas si Jasmine.” Tila desperado nang suhesyon ni Storm.

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon. Sa palagay ko ay iyon na lang ang natitira naming pag-asa at solusyon. Si Jack Frost.

I feel pathetic habang walang ibang magawa kundi ang maawa habang pinapanuod si Storm na hirap na hirap na minamaneho ang sasakyan niya patungo sa sinasabi nilang tunay na bahay ni Jack. Namumutla na ang mukha niya at halos naliligo na siya sa sarili niyang dugo.

“Don’t worry about me. I’m fine.” Bulong niya nang mahalata niyang sobra-sobra na akong nag-aalala sa lagay niya.

“You’re not,” mabilis na kontra ko.

Hindi na niya ako inimik pa kung kaya’y inilipat ko na lang ang atensyon ko sa dinaraanan namin. Ilang sandali ang lumipas bago niya inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang malawak na gate. Sobrang taas ng gate at hindi ito pangkaraniwang gate na maari mong makita kung anong klaseng bahay ang nasa likod nito. Hindi ka binibigyan ng ideya nito kung ano ang meron sa loob.

Kahit na hindi pa sinasabi ni Storm na nasa tapat na kami ng bahay nila Jack ay alam kong sa kanila ito dahil halata mong sa gate pa lang ay sobrang yaman na ng nakatira sa loob. Hindi na siguro ako magtataka kung sa pagpasok namin ay makakakita ako ng kamangha-manghang mansion dahil gate pa lang ay masyado nang pinagkagastusan.

Dali-daling bumaba si Storm sa sasakyan at sumunod rin naman agad ako. Mukhang may cctv ang gate at nang makita kaming dalawa ni Storm na bumaba ng sasakyan ay bigla na lang itong kusang nagbukas. Pagkabukas ng gate ay hindi ko inaasahang may tao agad ang sasalubong sa amin.

“I’m sorry to disappoint you but Mr. Frost is not in the right condition to face any visitors,” bungad ng matandang lalaki na tinatawag nilang Morgan. So tama nga. Nandirito si Jack.

“Tell him it’s important. And can’t you see? I’m with Summer.” Nanghihinang sagot ni Storm.

“That’s exactly the reason why you can’t come in. He doesn’t want to see Miss Summer,” ika ni Mr. Morgan.

Hindi ako makapaniwalang napanganga sa narinig. He doesn’t want to see me? The hell is wrong with that cursing machine?!

“Please, Morgan. Kailangan ko siyang makausap.”

Matagal na tumitig si Mr. Morgan sa aming dalawa bago nagpakawala nang malalim na paghinga. Dahan-dahan siyang tumabi sa harapan namin na tila pagbibigay hintulot na rin niya sa amin na pumasok. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Storm at kahit na hirap na hirap siya ay nagmamadali siyang tumakbo papunta sa loob.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon