[3] The Gangster

408K 11.8K 3.1K
                                    

"In f*cking Disney movies, a kiss from a prince will wake the princess up. Then why the f*ck did you faint, you little f*cking cheater?" 

F-F*ck? Cheater?! Kaagad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang makita ko ang gangster na cursing machine sa tabi ko. Anong ginagawa niya sa tabi ko at sa— napatingin ako sa paligid. Nakahiga siya sa tabi ko. Nakahiga. Nasa iisang kama lang kami. 

Tiningnan ko ang katawan ko at suot-suot ko pa rin naman ang uniform ko. Tiningnan ko siya at naka-uniform din naman siya. Nakapangalumbaba siya habang nakahiga at iritableng nakaharap sa akin. Huh! Ang lakas ng loob niyang tingnan pa 'ko matapos niya akong halikan?

"Nasaan ako ha? Saang lugar ito? Saan mo 'ko dinala?!" inis na tanong ko sa kanya.

Napahawak siya sa ulo niya at saka dahan-dahang bumangon. "You have the f*cking nerve to shout at me?" inis na tanong niya.

Napalunok ako dahil sa takot na nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa. "You censored thing! Ugh." tanging inis na nasabi ko.

"Censored f*cking what?!" kunot noong tanong niya.

Sasagot pa sana ako pero hindi ko na naituloy nang bigla na lang bumukas ang kurtina sa tabi namin at mula roon ay may isang babaeng nakauniporme nang katulad sa akin ang bumungad sa aming dalawa.

"H-Hey!" halatang naiilang na bati niya.

Nagulat na lang ako nang bigla akong hilahin ng cursing machine papalapit sa kanya.

"What the hell are you doing here? My girl and I still need to rest." saad niya sa babae.

Hindi makapaniwalang napanganga na lang ako. Ibang klase. His girl and him?! What the *censored* is he talking about?! Ginagamit na naman niya ako para tabuyin ang mga babaeng may gusto sa kanya!

"O-ohmm," tila gulat na saad ng babae. "So totoo pala ang usap-usapan na naririnig ko. May girlfriend ka na pala talaga." saad niya habang nakangiti na halata namang pilit.

Tiningnan ko ang gangster na nasa tabi ko. Masama siyang nakatingin sa babaeng nakatayo sa harapan namin. "None of your f*cking business, Jasmine. What the f*ck are you doing here anyway?" aroganteng tanong niya.

Napakabastos niya talaga. Ni minsan hindi ko man lang siya narinig na nakipag-usap nang walang mura o kaya naman ay hindi bastos!

"I heard kasi na nasa clinic ka kaya pumunta ako," sagot ng babae. Clinic? So nasa clinic pala kami. "I know naman kasi how much you hate hospitals and clinics kaya pinuntahan kita."

Napatingin akong muli sa cursing machine na nasa tabi ko nang matawa siya nang pilit. "Really? But why would you do that? Kaano-ano ba kita?" tila nang-iinsulto niyang tanong.

Halatang nasaktan ang babae sa naging sagot ng gangster na ito pero kahit na ganoon ay pinilit pa rin niyang ngumiti kahit na napahiya siya. "Oh, I'm sorry then," saad niya at saka agad na umalis.

Muli kong ibinalik ang tingin sa gangster na nasa tabi ko. Parang wala lang sa kanya na nasaktan niya ang damdamin ng babaeng iyon. That girl cares for him pero pinahiya lang niya. This gangster knows nothing! And how on earth na nasisikmura kong hawak-hawak niya ang kamay ko?!

Napatingin siya sa akin nang hilahin ko palayo sa kanya ang kamay ko. Tiningnan ko siya nang masama pero hindi man lang siya nagreact sa ginawa ko. Sinundan ko siya ng tingin nang bigla na lang siyang tumayo. Isinuksok niya sa kanyang bulsa ang kamay niya at magsisimula na sanang maglakad paalis pero agad ko siyang pinigilan.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"I'm leaving. Can't you see?" sagot niya pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon