[44] The Superior

203K 6.9K 2.3K
                                    

Halos sampung minuto na ang lumipas simula nang makapasok si Storm sa loob at hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang mga kaibigan niya. Wala akong ibang magawa kundi titigan lang ang dinaanan niya papasok sa Avellino. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Gulong gulo ako at hindi malaman ang gagawin.

Kaagad na kumalabog ng malakas ang puso ko nang makarinig ako ng panibagong putok ng baril. Mabilis na binalot ng takot ang buong katauhan ko habang inaalala si Storm na nasa loob.

“Oh, God. Storm…” nag-aalalang bulong ko.

Lumingon ako sa likuran ko at umaasang makikita ko na ang barkada nila Storm pero bigo ako. Sila na lang ang inaasahan ni Storm. Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sila?

Nanlalaki ang mga mata kong ibinalik ang tingin sa Avellino nang makarinig ako ng isa pang putok ng baril. Automatic na nanginig ang buong katawan ko habang iniisip na baka ang bala ng baril na iyon ay tumama sa katawan ni Storm.

Napapikit ako sa ideyang iyon at pilit iniisip kung anong paraan ang magagawa ko. Naisara ko ang mga kamao ko dahil sa pagiging walang silbi ko. Still that useless and fragile Summer. Kung talagang gusto kong makatulong, kailangan kong maging matapang. Kailangan kong kumilos.

Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan muli ang napakalawak na paaralan sa harapan ko. Kailangan kong tulungan si Storm. Kung hindi ako kikilos, pwes sino? Hindi ko siya pwedeng pabayaan sa loob. Maaring tanga nga siguro ako para magtapang tapangan pero mas gugsutuhin kong mapahamak na lumalaban kaysa nanunuod lang at hinahayaan ang iba na ipagtanggol ako.

Humugot muna ako ng napakalalim na hininga bago lakas loob na tumakbo papalapit sa paaralan. Hindi naman ako ganoon katanga para sa gate mismo ng Avellino dumaan kung kaya’t humanap ako ng ibang paraan para makapasok sa loob. Pumunta ako sa may gilid ng paaralan at napansin ko ang isang puno na nakatayo sa tabi ng matayog na pader ng paaralan. Umakyat ako sa puno na iyon at saka hirap na hirap na umakyat sa pader.

Pagkaakyat ko ay kaagad akong napalunok nang makitang medyo mataas pala ang babagsakan ko kapag tumalon ako para makapasok sa loob. Kung tatantyahin mo ay para akong nasa 2nd floor at kailangan kong tumalon sa ground floor. Humugot ulit ako ng malalim na hininga. Kaya ko ‘to.

Ano ba naman ang sakit mula sa pagbagsak kumpara sa pambubully nila sa akin, hindi ba? Heto, physical lang ang sakit na maidudulot. Samantalang ang pambubully sa akin ay may kasama ring emotional. Kung tutuusin ay di hamak na mas masakit at mas matagal maghilom ang emotional pain kumpara sa physical.

Pilit na lang akong natawa sa ideyang pumapasok sa utak ko. Bakit ko pa ba naiisip ang mga ganitong bagay? Well, at least, may naidulot rin palang maganda ang pagkakabully sa akin sa mga ganitong sitwasyon. Salamat sa mga pambubully nila, tinulungan nila akong maging manhid at walang takot masaktan.

Lakas loob akong tumalon papasok ng Avellino High at kaagad na tumama ang pwetan ko sa matigas na lupa ng paaralan. Napaangal ako sa sakit na dulot nito pero pilit ko pa rin tinulungan ang sarili kong tumayo. Kailangan kong magmadali. Kailangan kong mahanap kaagad si Storm. Ayokong ipasok sa utak ko ang ideyang baka napahamak na siya. Nangako siya sa aking mag-iingat siya at naniniwala ako sa pangako niya.

Maingat akong naglakad papunta sa pinakamalapit na building sa akin. Halos mabalot na ng dilim ang buong lugar dahil papalubog na ang araw. Sumulyap sulyap muna ako sa paligid upang makasiguro na walang nakakakita sa akin. Hindi ko alam kung paano ko mahahanap si Storm sa sobrang laki ng paaralan na ito pero hindi ako pinanghihinaan ng loob.

Alam kong hindi na uso ang pagkakabayani sa panahon na ito at isang malaking katangahan at pagpapahamak sa sarili ang ginagawa ko pero mukhang tama nga sila, ang pinakamahirap na taong makakaharap mo ay ang mga taong alam nilang wala nang mawawala pa sa kanila. Katulad ko. I got nothing to lose. Big thanks sa mga taong buong buhay ko ay pinamukha sa akin na hindi ako nababagay sa mundong ito.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon