[17] The Jack Frost Equation

301K 8.5K 1.8K
                                    

Isang tahimik na umaga habang naglalakad ako patungong school nang hindi inaasahang tao ang nakasalubong ko isang kanto na lang bago ako makarating sa school. Ngumiti siya sa akin at mabilis na lumapit.

"Ayos na ba ang paa mo?" tanong niya at saka sinabayan ako sa paglalakad.

Tumango ako sa kanya. "Anong ginagawa mo rito, Storm?" tanong ko.

"Sinusundo ka. Di ba may pilay ka? Bilang facebook boyfriend mo dapat alagaan kita."

Hindi na ako umimik at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang braso ko at pigilan ako.

"Ang totoo ay gusto kitang makausap. Tungkol sa clinic. Alam kong narinig mo ang pinag-usapan namin."

Ngumiti ako sa kanya at saka tumango. "Don't worry, kung ano man ang narinig ko ay hindi iyon makakarating kahit kanino," sagot ko.

Umiling siya at mas lalong lumapit sa akin. Tumingala ako sa mukha niya at bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot na nakita ko kagabi.

"Hindi iyon ang dahilan kung bakit kita gustong makausap. I don't want you to misunderstand me. So please don't misunderstand the feelings I have for Jasmine. I really love her. Pero walang chance para sa aming dalawa. She loves Jack, you know."

Tumango ako sa kanya to keep the conversation going.

"Sana ay wag mag-iba ang tingin mo sa akin. I love Jasmine and I like you. Hindi ko intensyon na magkagusto sa'yo. Buong akala ko ay kay Jasmine lang ang buong puso ko. But I can't help it. Gusto talaga kita."

Hindi ko mapigilang ikunot ang noo ko dahil naguguluhan ako sa kanya pero in the end wala akong ibang naramdaman kundi matawa. Nakakatawa dahil nag-eexplain siya sa akin when there's no reason he has to explain at all.

"That's cheating," nakangiting sagot ko.

Unti-unting nawala ang worried expression sa mukha niya.

"You're not mad?" nagdududang tanong niya.

"I have no reason to get mad." Sagot ko at saka ipinagpatuloy muli ang paglalakad. Agad din naman siyang sumunod at sinabayan ako.

"You're hurting me," tila nagtatampong saad niya.

Tinignan ko siya habang patuloy sa paglalakad. "So ako pa ngayon ang nananakit sa'yo?" pabirong sagot ko.

"You don't mind that I love someone else?" tila nagtatampong tanong niya.

Umiling ako bilang sagot. "I don't mind." Honest na saad ko.

"But you're supposed to be jealous. You're hurting me. Pinamimigay mo ba ko?"

Hindi ko na mapigilan ang matawa sa kanya.

"And now pinagtatawanan mo ko? You're my facebook girlfriend. Dapat ay magalit ka."

Napa-iling na lang ako sa kanya at mas binilisan ang paglalakad.

"Hey, wait for me!" sigaw niya at hinabol ako. "Ni hindi ka manlang nagrereply sa mga wall post ko sa'yo. Panay kaya ang sorry ko sa'yo sa facebook kagabi."

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Wala kaming internet at hindi ako marunong gumamit ng facebook. And," I paused at inisip munang maigi kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nasa isip ko.

"And what?" tila kinakabahang tanong niya.

"Nevermind," sagot ko at ipinagpatuloy ang paglalakad pero natigilan ako nang humarang siya sa dinaraanan ko.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon