[33] The Tresspassers

267K 8.3K 2.4K
                                    

“Anak oh, baon mo.” Saad ni Mama at saka inabot sa akin ang isang maliit na bag kung saan nakalagay ang lunch box ko. Tahimik kong kinuha iyon at binigyan siya ng pekeng ngiti.

“Salamat po. Papasok na ako.” Paalam ko at saka sinimulang lumakad papunta sa pinto.

Pagkalabas ko ng gate namin ay natigilan ako nang isang hindi inaasahang tao ang naabutan ko sa tapat ng bahay namin at mukhang naghihintay. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa may pader at nang makita niya ako ay kaagad siyang umayos ng tayo. Binigyan niya muna ako ng masamang tingin bago inis na lumapit sa akin.

“Anong ginagawa ng isang conceited gangster sa tapat ng bahay ko?” malamig na tanong ko.

“Alam mo ba kung anong oras na?” tila galit na tanong niya.

Tumingin ako sa relo ko upang tingnan ang oras. “Uhm quarter to eight,” calm na sagot ko.

Nagtaka naman ako nang bigla siyang inis na natawa dahil sa sagot ko.

“Alam mo ba kung ilang oras na akong naghihintay dito?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Nagkibit balikat naman ako bilang sagot dahil hindi ko alam.

“Quarter to six pa lang nandito na ako,” inis na saad niya.

“Oh, I see. Kanina ka pa pala dito sa labas.” Walang interest na sagot ko habang seryoso lang ako at nagtatakang nakatingin sa kanya.

“Wow, ibang klase. Hindi ka manlang ba pwedeng magpanggap na nakukunsensya ka dahil ang tagal mo akong pinaghintay?”

Sa itsura niya ay parang sasabog na siya sa sobrang inis.

“Ano ba kasing ginagawa mo dito ng ganoong kaaga?” tanong ko.

“Wow, I know you’re dumb but I didn’t know you’re this dumb.” Mapang-insultong saad niya.

Tinapunan ko siya ng napakasamang tingin dahil sa sinabi niya. “Pumunta ka lang ba dito ng napakaaga para lang insultuhin ako?” inis na tanong ko.

Napahawak siya sa noo niya at saka inis na napabuntong hininga. Tila pinapakalma niya ang sarili niya.

“Look, I was gone for a week at pagkadating na pagkadating ko ay dito na kaagad ako dumeretso pero eto lang ang bungad mo?” frustrated na tanong niya.

Tama. He was gone for a week. Nawala na lang siya bigla na walang pasabi at ngayon ay nagagalit siya kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa kanya? Sa loob ng isang linggong iyon ay wala manlang akong natanggap na text o miski tawag sa kanya. Matapos niyang sabihin sa akin ang mga salitang sinabi niya noon sa sasakyan ay bigla na lang siyang nawala at wala manlang akong naging balita sa kanya at ngayon ay nandito siya sa harapan ko at akala mo ay kung sinong umasta?! Wow! At bakit ba naiinis ako kung hindi siya nagparamdam manlang? Psh.

“Ano bang klaseng bungad ang gusto mong gawin ko? Gusto mo bang salubungin kita ng yakap at sabihan ka ng ‘Hey, Jack, welcome back!’, ganoon ba?” sagot ko at pilit itinatago ang pagkainis sa boses ko.

“Damn it, woman. Sobrang namiss kita. Hindi mo ba alam ‘yon?” galit na sagot niya.

Inis akong napakagat sa labi ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Namiss? Wow, big word.” Sarkastik na saad ko.

“I really missed you. I really do,” mahinang saad niya. “Damn so much.” Dagdag pa niya.

Sarkastik akong tumawa at masama siyang tiningnan. “Really? Kaya pala umalis ka na lang ng walang salita at ni hindi ka manlang nagparamdam sa loob ng isang linggo. Tapos ngayon ay magpapakita ka sa akin at sasabihin mong namiss mo ako? Wow!” inis na saad ko.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon