CHAPTER 14

6.2K 278 167
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Knees

"Gago, anong baby? Hindi mo ako baby, ulol." I scoffed.

Iginala ko ang aking paningin sa mukha ni Jaevier. Tang inang mukha 'yan, lasing na't lahat guwapo parin.

Mas lalo pa siyang gumuwapo sa paningin ko dahil sa namumula niyang ilong at mga pisngi, idagdag pa ang namumungay niyang mga mata. Para siyang baby sa mga mata ko. Masarap sigurong alagaan ang isang ito?

Hindi sinasadyang napatingin ako sa mga labi niya. Ang ganda ng shape ng labi niya... Mapula rin... at makintab... Mukha ring malambot iyon. Should I check it to see if it's really soft?

Gusto kong matawa sa naisip. Tang inang 'yan. Ano 'tong mga iniisip ko? Lasing ba ako? Really, Hanz Winter? Pinagpapantasiyahan mo ang labi ng kapwa mo lalake? Tang ina mo, Hanz.

Pero... Mukha kasi talagang malambot eh... I wonder what it tastes like. Siguro matamis iyon kagaya ng kulay niyon.

Jaevier pouted. "You're always my baby inside my head."

Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya. Lasing na lasing nga siya, hindi na niya alam ang mga sinasabi niya eh. Marami ang nagsasabing ako raw ang boy version ni Summer, pero grabe naman na pati si Jaevier ay mapagkakamalan na ako 'yong kapatid ko? Mahaba ba ang buhok ko sa paningin niya?

"You are my baby, even if... you are not mine," halos pabulong at namamaos ang tinig na sabi niya habang titig na titig sa akin. "I've been waiting for so long for you to fucking claim me... to own me. I am yours, baby. You own every part of me. My heart, my mind, my body, my soul... Lahat iyon, pag-aari mo. I am all yours to claim, baby."

Hindi ako nakapagsalita. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok. I couldn't help but feel goosebumps with the words he uttered.

Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko'y hindi ko alam kung pati siya ay naririnig na ito. Kung bakit kumakabog ang dibdib ko ay iyon ang hindi ko maintindihan.

"But it hurts knowing that you can't even love me back..." He smiled at me weakly. "Hindi ako banal pero pagdating sa'yo, tang ina, napapadasal ako lagi eh. You know, I'm always begging God for you to love me. I'm always hoping that one day... you'll turn your gaze to where I am waiting in silence."

I flinched when I felt his hand caressing my cheek, na hindi ko alam na nasa pisngi ko parin pala.

"Ten years, baby. That was a long years of loving you from afar. Pagod na akong panoorin ka lang mula sa malayo... I'm dying to hold you. Gusto kitang angkinin kagaya ng kung paanong sa'yo ako. Is ten years of loving you in silence not enough, baby? Hindi pa ba sapat iyon para... makita mo ako? Kung hindi parin, then I'll wait for you even in my fucking afterlife. Kahit pa sa susunod na buhay, I would still fucking wait for you. Ikaw 'yong pangarap na alam kong malabo kong maaabot, but believe me, baby, handa akong makipag-bargain sa diyos para lang ibigay ka niya sa akin."

Parang nasasaktan at nahihirapan ang boses niya habang nagsasalita. Iba't-ibang emosyon ang dumaan sa mga mata niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

"I've fallen for you a long time ago... I've fallen hard. Down bad. On my fucking knees, baby," he whispered raspily.

I blinked and gasped for air. Hindi ko napansin na nagpipigil na pala ako ng hininga habang pinapakinggan ang monologue niya.

Nag-iwas ako ng tingin at dahan-dahang lumayo sa kaniya. Umayos ako ng upo at tumingin sa harapan, binabagabag ng mga sinabi niya.

I pursed my lips. Alam kung hindi para sa akin ang mga sinabi niya, pero... putang ina... Bakit apektadong-apektado ako? Bakit tumatambol ang dibdib ko ngayon? Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay talagang nakakapanginig ng kalamnan.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon