CHAPTER NINETEEN
Confession
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Jaevier. Nakatitig lamang ako sa kaniya, habang pinoproseso ko sa utak ang sinabi niya.
He wants to flirt with me?
Why the fuck did he want to flirt with me? Because the last time I checked, nililigawan niya ang kapatid ko. Ano, bumigay na agad siya sa panglalandi ko kanina? Ang... Bilis naman yata! Pinanindigan yata talaga niya ang pagiging marupok niya.
Binitawan ko ang handle ng pinto saka umayos ng upo. I cleared my throat. "Seryoso ka ba riyan, Laurent?" Tanong ko dahil baka mamaya pinagtitrip-an lang ako ng tarantadong ito. "Ayusin mo ang sagot mo kundi manghihiram ka talaga ng mukha sa aso-"
"Mukha ba akong nagbibiro?" Putol niya sa sinasabi ko.
Nagtagal ang titig ko sa kaniya, sinisigurado kung seryoso ba talaga siya. He wants to flirt with me? Alam ba niya kung ano ang sinasabi niya? We're both men, for God's sake! Hindi naman siya bakla? Wait...
I narrowed my eyes at him. "Are you gay, Laurent?" Marahang tanong ko.
He licked his lower lip and avoided my gaze. Base sa pawis na tumutulo sa leeg niya, kahit may aircon naman ang kotse niya ay alam kong kinakabahan siya.
I already asked him this before, but he denied it. If he's really straight, then why the fuck does he want to flirt with me? Kaya ba... Nilalandi niya ako dati? Hindi ko naman binibigyan ng pansin ang mga pagpapalipad hangin niya noon dahil alam kong straight siya. Malay ko ba kung ganiyan talaga siya kahit sa mga kaibigan niya?
Alright, I like him. Aminado naman ako na hindi ako straight... And I know this is a good opportunity for me. Palay na ang lumalapit sa manok, aayaw pa ba ako? Pero hindi ko parin maiwasang mapaisip. I'm confused...
"Do you like me, Jaevier?" Muling tanong ko ng hindi siya sumagot. Kapag talaga sinabi niyang nagbibiro lang siya, I swear, ibabalibag ko talaga siya ng makita niya ang hinahanap niya.
He heaved a sigh and glanced at me. "If liking you will make me gay, then I'm gay, and yes, I like you."
Literal na naghang ang utak ko sa narinig.
Natulala ako. Tang... ina? Gusto niya ako? What?! Is he fucking kidding me?! Ano 'to? Isa na naman ba 'to sa mga pakulo niya? Hindi niya nakuha ang kapatid ko, kaya ako naman ngayon ang target niya?
Walang laman akong natawa kaya napatingin siya sa'kin, bahagya nang magkasalubong ang mga kilay.
"The last time I checked, patay na patay ka sa kapatid ko. Tapos ngayon sasabihin mong gusto mo ako? Niloloko mo ba ako, Laurent? 'Wag mo akong gino-good time because, I swear, lilipad ka talaga palabas ng sasakyan mo ngayong gago ka," natatawa ngunit mariing ani ko.
"Tang ina naman. Kinapalan ko na nga ang mukha ko para lang masabi 'to sa'yo tapos... tatawanan mo lang ako? Wala kang idea kung paano ko pinilit lakasan ang loob ko para lang masabi sa'yo 'to." He gripped the steering wheel tightly.
Namumula na ang taenga at ang buong mukha niya, halatang hindi na kinakaya ang kahihiyan.
Muli siyang tumingin sa unahan habang gumagalaw ang panga, bahagya pang magkasalubong ang mga kilay.
Hindi agad ako nakapagsalita. Pinoproseso ko pa ang mga sinabi niya. He's damn serious. Mark Jaevier Laurent, the notorious playboy, confessed to me just now!
Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Parang bigla ay nagflash back sa akin ang lahat. Simula sa pagiging magkaklase namin mula grade seven, sa pang-aagaw niya sa girlfriend ko noong grade eleven kami, hanggang sa panliligaw niya sa kapatid ko.
Simula grade seven, hindi na talaga kami nagpapansinan. Hindi ko alam kung bakit hindi kami nagkaroon ng pagkakataong maging magkaibigan dahil kung tutuusin nasa iisang classroom lang kami. Siguro, kasi masyado rin talaga akong tutok sa pag-aaral at pili lang ang kinakausap ko.
Hindi rin ako palakaibigan, at kung may bibigyan man ako ng atensiyon, iyong mga tao lang na may sense kausap. At hindi kabilang si Jaevier doon. Ang tingin ko kasi noon sa kaniya pumapasok lang ng klase para magpaguwapo. Puro siya barkada, hindi seryoso sa buhay at pumasa lang ang grades, ayos na, kuntento na siya roon.
Nagkaroon lang talaga kami ng matagal na interaksiyon noong sulutin niya ang girlfriend ko. Hindi pa naging maganda ang pag-uusap namin noong mga sandaling 'yon. Binugbog ko siya no'n kaya na-guidance ako sa kauna-unahang pagkakataon. I hated him down to my core... Ni hindi ko binalak na kilalanin siya o papasukin man lang sa mundo ko. Kasi para sa'kin, siya 'yong tipo ng taong hindi dapat pinagaaksayahan ng oras at atensiyon dahil wala siyang magandang idudulot sa buhay mo.
Kaya ang aminin niyang gusto niya ako ay talagang nakakagulat. Like, how the fuck did he develop his feelings for me? Ni hindi ko nga naisip na magiging malapit kami ng ganito, iyon pa kayang gustohin namin ang isa't-isa?
Inalis ko ang tingin sa kaniya at tumingin sa harapan. "Since when?"
"Ten years ago."
My jaw dropped. Gulat na muli akong napabaling ng tingin sa kaniya. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng makita ang reaksiyon ko.
"Ten years ago-what?!"
Nagulat na ako noong sabihin niyang gusto niya ako, pero mas may igugulat pa pala ako. Putang... ina? Ten years?! That long? Is he fucking kidding me?
"Are you fucking kidding me, Laurent?" Salubong ang kilay na sabi ko, hindi makapaniwala sa rebelasyon niya.
He chuckled softly. Nawala na iyong hiyang nakaplaster sa mukha niya kanina. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagka-aliw sa reaksiyon ko.
"Mn. Isipin mo 'yon? Isang dekada na akong bading na bading sa'yo, Ybañez." Natatawa siyang napailing.
Agad akong napaisip. Paanong naging ten years kung noong grade seven lang kami unang nagkita? 'Di ba dapat nine years lang? Hindi marunong magkuwenta ang lokong 'to.
"Paano naging ten years? Grade seven lang tayo no'ng una tayong nagkita. Hindi ka marunong magbilang."
"It's ten years, Hansel. Nagkita na tayo sa isang quiz bee competition noong grade six tayo," aniya saka humalukipkip at nakangiting tumitig sa'kin. "Hindi mo na yata naaalala, pero ako, malinaw na malinaw parin sa ala-ala ko iyon. Doon kita unang nakita, agaw pansin ka kasi ang tangkad mo tapos ang laki-laki pa ng eyeglasses mo."
Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko nga maalala ang quiz bee competition na sinasabi niya. Sobrang dami ng competition na sinalihan ko noong elementary, kaya malabo ng maalala ko pa iyon.
Pero... Putang ina? Seryoso ba talaga siya?
Biglang nalukot ang mukha ko ng may maalala. "Gusto mo ako dati pa? Pero inagaw mo 'yong girlfriend ko noon," palatak ko. Niloloko yata talaga ako ng kupal na 'to.
Humalakhak siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tuwang-tuwa, ah? Ireject ko siya riyan, eh.
"Exactly," he said, grinning from ear to ear. "Inagaw ko 'yong girlfriend mo kasi ayokong nakikitang magkasama kayo. Hindi kita kayang makuha eh, kaya 'yong girlfriend mo na lang ang inagaw ko. Ang talino ko, 'di ba?"
"Tang ina mo."
Napuno ang kotse niya ng malutong niyang tawa. Proud na proud pa siya sa ginawa niya. Halos isang taon rin akong hindi nakapag move on dahil doon! Nakaka-bobo ang rason niya. Inagaw niya iyong girlfriend ko dahil ako ang gusto niya at hindi si Yvonne? Tang inang 'yan. Grabeng utak 'yan ni Jaevier, hindi ko maabot.